Kilalanin ang anak ni Michael V. na si Kapuso rising actress Brianna at silipin ang kanilang napakagandang tahanan!

Isa sa mga pinakamahusay na aktor at komedyante sa Philippine showbiz si Michael V. o Beethoven Michael Bunagan sa tunay na buhay.

Credit: @briannabunagan Instagram

Bukod naman sa pagiging isang artista ay isa ring magaling na direktor at recording artist si Michael V. na mas nakilala ng marami bilang ‘Bitoy’ o ang milyonaryong si “Pepito Manaloto” sa Kapuso sitcom ng parehong pangalan.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka na maging ang kanyang mga anak ay katulad din niyang may taglay na husay sa pag-arte at pagkanta.

Credit: @briannabunagan Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na marami sa mga rising artist ngayon ay anak ng mga sikat na artista sa Philippine showbiz. Isa nga rito ang anak na babae ni Michael V. na si Brianna.

Nagtapos si Brianna sa Ateneo de Manila University ng kursong Fine Arts Major in Theater Arts.

Sa ngayon, gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa showbiz si Brianna bilang isang Kapuso artist.

Ipinasilip nga niya kamakailan lamang sa Kapuso variety show na “Sarap ‘Di Ba?” ang kanilang napakagandang tahanan.

Credit: @briannabunagan Instagram

First stop ni Brianna ay ang kanilang front door na may intricate design na dinisenyo umano ng kanyang ama.

Sunod na dinala ni Brianna ang mga manonood sa kanyang paboritong tambayan sa loob ng kanilang bahay na walang iba kundi ang kanilang malawak at napaka-cozy na sala.

Kwento pa ni Brianna, napakagandang tumambay at mag-relax sa kanilang sala dahil kaharap lang nito ang lanai area.

Credit: @briannabunagan Instagram

Nagsisilbing event place naman daw ang kanilang lanai area at backyard kung saan matatagpuan ang kanilang swimming pool. Marami umano silang memories na magpamilya rito dahil dito nila madalas ginagawa ang kanilang family gatherings tuwing Pasko o kung may espesyal na okasyon.

Samantala, ipinasilip din ni Brianna ang dining area ng kanilang bahay. Madalas umano silang magkwentuhan na magpamilya dito habang kumakain sa kanilang 12-seater dining table.

Ayon naman kay Brianna, favorite spot ng kanyang inang si Carol sa kanilang bahay ang kitchen area.

Mahilig daw kasing magluto ang kanyang ina. Habang siya ay first stop naman tuwing umaga ang coffee area sa kanilang kusina.

Ipinasilip din niya ang kanilang home gym. Pag-amin ni Brianna, tuwing weekends lamang siya nagwo-workout at favorite exercise niya ay indoor-cycling.

Credit: @briannabunagan Instagram

Dumako rin si Brianna sa second floor ng kanilang bahay kung saan matatagpuan ang kanilang mga kwarto at isa pang sala. Nag-sample naman siya sa pagtugtog ng piano gamit ang kanilang baby grand piano.

Sunod na ipinakita ni Brianna ay ang kanyang kwarto kung saan matatagpuan ang koleksyon niya ng gitara, ukulele, at funko pop figures. Maging ang working station ni Brianna ngayong [email protected] ay nasa loob din ng kanyang kwarto.

Credit: @briannabunagan Instagram

Huling ipinasilip ni Brianna ang kanilang home theatre na dati umanong mancave ni Bitoy. Bahagi ni Brianna, dito sila madalas na maglaro ng video games at manood ng videos ng kanyang mga kapatid kasama ang kanilang ama.