Kilalanin ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso ng premyadong aktor na si Ejay Falcon na isang dating “StarStruck” contestant!

Marami ang humahanga sa Kapamilya actor na si Ejay Falcon mula noon magpahanggang ngayon kaya naman parang isang bukas na libro pa rin sa publiko ang kanyang buhay.

Credit: @ejaythefalcon Instagram

At isa sa makulay na aspeto ng buong showbiz career ni Ejay na tinututukan ng marami niyang tagahanga ay ang kanyang buhay pag-ibig. Bilang isa sa mga most-sought actor sa industriya, talagang marami ang interesado sa buhay pag-ibig ng aktor.

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ng aktor, ating makikita na masaya ang estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Tuluyan na ngang may nakabihag sa puso ni Ejay na walang iba kundi ang dating “StarStruck” contestant na si Jana Roxas.

Credit: @ejaythefalcon Instagram

Madalas magbahagi si Ejay ng mga sweet photo nila ni Jana sa kanyang Instagram account. Mula sa kanilang mga bakasyon together at ilang bonding kung saan kasama nila ang kani-kanilang pamilya, spotted na sweet na sweet at masaya ang aktor kasama ang kanyang napakagandang kasintahan.

Ngunit paano nga ba nagtagpo ang landas ni Ejay at ng babaeng kanyang iniibig ngayon?

Sa isang panayam, ikwinento ni Ejay na nagkakilala sila ni Jana nang maimbitahan siya sa isang housewarming event na nagkataon na bahay pala ng huli. Mula nga sa pagiging complete strangers patungong lovers, talaga namang inukit ng tadhana na maging bisita si Ejay sa housewarming event ng bahay nina Jana upang sila ay magkakilala.

Hindi naman imposible na mauwi sa kasalan ang relasyon ng magkasintahan lalo pa’t inamin ng Kapamilya actor sa isang panayam noon na natagpuan na niya ang kanyang ‘soulmate’ sa katauhan ni Jana.

Credit: @ejaythefalcon Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, isa si Ejay sa mga artista na pumasok sa pag-aartista sa murang edad. Matatandaan na naging daan ang Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother para madiskubre ng manonood ang taglay na kagwapuhan at karisma ni Ejay na binansagan noon bilang ang “Promdi Hottie” ng Mindoro. Taong 2008 nang magwagi naman si Ejay sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” kung saan siya ay itinanghal bilang Big Winner.

Matapos naman ang PBB journey ni Ejay ay kaagad siyang sumabak sa acting sa ilang Kapamilya teleserye at pelikula kung saan ipinakita niya ang kanyang kahanga-hangang husay sa pag-arte.

Sa ngayon, maituturing si Ejay bilang isa sa pinakamatagumpay at premyadong aktor sa Philippine showbiz.

Credit: @ejaythefalcon Instagram

Samantala, mukhang malayo pa ang kasal ng dalawa, kung sa kasalan nga mauuwi ang kanilang relasyon, dahil kasalukuyang abala si Ejay sa kanyang political career matapos niyang inanunsyo kamakailan na tatakbo siya bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro na kanyang hometown sa darating na 2022 elections.