Isa si Michael de Mesa sa mga hinahangaang aktor ng mga manonood dahil sa kanyang walang kupas na galing sa pag-arte. Hindi rin kaila na beterano na si Michael sa paggawa ng mga teleserye at pelikula.
Credit: @mdemesa24 Instagram
Taong 1975 pa nang mag-umpisang umarte si Michael o Michael Edward Gil-Eigenmann sa tunay na buhay. Madalas siyang mapabilang sa mga action film at gumanap bilang kontrabida.
Sa edad na 61-anyos ay aktibo pa rin sa paggawa ng mga teleserye at pelikula si Michael. Isa ang karakter ni Michael na si Ramil “Manager” Taduran sa mga karakter na patuloy na sinusubaybayan ngayon ng manonood sa Kapamilya action series na “Ang Probinsyano.”
Credit: @mdemesa24 Instagram
Samantala, sa totoong buhay si Michael ay gumaganap bilang isang mabuting asawa at ama sa kanyang pamilya. Lingid sa kaalaman ng marami, dalawang beses nang ikinasal si Michael.
Ang una ay noong 1978 sa aktres na si Gina Alajar kung saan ay umabot sa halos 23 taon ang kanilang pagsasama bago mapasawalang bisa ang kanilang kasal noong 2006. Nagbunga naman ang kanilang pagsasama ng tatlong supling na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann na tulad nila ay pinasok din ang pag-aartista.
Credit: @mdemesa24 Instagram
Hindi naman nagtagal bago muling mahanap ni Michael ang bagong babaeng kanyang mamahalin.
Sa ikalawang pagkakataon, nahanap ni Michael ang babaeng magpapatibok at magbibigay ng kulay sa kanyang buhay, at sa pagkakataong ito ay siguradong panghabambuhay na niyang makakasama.
Pinakasalan ni Michael ang kilalang dancer-choreographer na si Julie Reyes na 13 taong mas bata sa kanya. Gayunpaman, hindi naging balakid sa kanilang masayang pagsasama ang malaking agwat ng kanilang edad.
Credit: @mdemesa24 Instagram
Matatandaang taong 2010, nagpasya sina Michael at Julie na manirahan sa Amerika. Taong 2011 naman nang sila ay ikinasal.
Ngunit hindi rin sila nagtagal sa Amerika dahil taong 2015 ay bumalik sila sa bansa sa kagustuhang makasama ang kanilang mga anak at apo.
Credit: @mdemesa24 Instagram
Masaya namang ipinagdiwang nina Michael at Julie ang kanilang ika-9 na wedding anniversary noong September 2020 kung saan ay nagpalitan sila ng matatamis na mensahe para sa isa’t isa.
Credit: @mdemesa24 Instagram
Mensahe ni Michael sa kanyang asawa, “Thank you, my love, for loving me. As I have said before, I will do my very best to make you the happiest woman on earth. You deserve nothing less. Happy wedding anniversary Hana. I love you very much.”
Sulat naman ni Julie sa kanyang post, “HAPPY 9 years MARRIED, Mr. Eigenmann…I love you so fiercely, truly, dearly. WITHOUT END…”
Credit: @mdemesa24 Instagram
Sa ngayon, masayang-masaya sa kanilang pagsasama sina Michael at Julie. Makikita sa kani-kanilang social media accounts ang ilang larawan nila na nagta-travel. Halatang isa ang pagta-travel at pagpunta sa beach sa mga paborito nilang gawin na mag-asawa. Maliban dito, isa rin sa kanilang pinagkakaabalahan ay ang pagwo-workout at pagbo-bonding kasama ang kanilang mga apo.