Tila naka-move on na ang panganay na anak ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa kanyang relasyon kay TV actress Heaven Peralejo matapos mamataan ang binata ng mga netizen na ipinopost ang mga larawan ng kanyang kasamahan sa Star Magic na si Arabella del Rosario.

Dahil dito ay umusbong ang mga haka-hakang ang 19-anyos na Star Magic artist ang bagong nobya ngayon ni Jimuel.

Nitong December 16, ay ni-retweet ni Jimuel ang mga candid picture ni Arabella. Nasundan pa ito nang ipinost naman ni Jimuel ang mga larawan ni Arabella na mukhang siya mismo ang kumuha.

Hi @arabelladelro pic.twitter.com/co3RQZvDNq
— Emmanuel Pacquiao Jr (@EmmanuelpacJr) December 20, 2020
Mukhang lumalabas na ang dalawa upang mag-date matapos mag-post si Arabella sa kanyang Twitter account ng mga larawan naman ni Jimuel.

Sa isang larawan, makikita na magka-holding hands sila ni Jimuel. Sa sumunod na larawan, ay makikita naman si Jimuel na mukhang hahalikan ang kanyang kamay.
Hi @EmmanuelpacJr pic.twitter.com/fBa0uj8BWO
— arabella (@arabelladelro) December 21, 2020
Maraming netizens naman ang kinilig sa pagpapalitan ng mga sweet post sa Instagram nina Jimuel at Arabella.

Noong nakaraang taon ay kinumpirma ng aktres na si Heaven Peralejo na hiwalay na sila ni Jimuel. Gayunman, hindi nila isinapubliko ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ngunit lumabas naman ang maraming espekulasyon na dahil umano sa pera kaya naghiwalay ang magkasintahan.

Matatandaang hinarap noon ni Heaven ang mga paratang sa kanya tungkol sa paggamit niya ng credit card ni Jimuel upang bumili ng mga grocery na mariin naman niyang itinanggi. Maging si Jimuel ay nilinaw din na walang katotohanan ang mga paratang ng paggamit umano ni Heaven sa kanyang pera.
Samantala, sa isang panayam, ikwenento ni Jimuel na mahirap umano ang naging breakup nila ni Heaven.

Kwento ni Jimuel, “It was really tough. The way we ended the first time, it was really tough. Kasi po parang may galit po kasi doon sa first time, and parang hindi po maayos iyong naging breakup.”
Sinabi naman ni Jimuel na naging maayos naman daw ang paghihiwalay nila ni Heaven.
“The second time around, it was a peaceful breakup,” ani Jimuel.
At sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinabi ni Jimuel na nanatili silang magkaibigan ni Heaven.