Kilalanin ang bagong Kapuso artist na ito na anak ng batikang aktor na si Niño Muhlach!

Hindi naman talaga maitatanggi na kilala sa industriya ng showbiz ang mga Muhlach dahil sa husay at galing nila sa pag-arte. Bukod doon ay kinahuhumalingan din ng karamihan ang mga Muhlach dahil sa kanilang kagwapuhan. Muli ay may bago na namang Muhlach na magpapakita sa telebisyon, magpapakilig, at [email protected] ulit ang showbiz sa nag-uumapaw nitong karisma.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Kilala si Niño Muhlach bilang isang sikat na batang aktor noong kanyang kapanahunan at tinaguriang “Philippine Cinema’s Child Wonder” dahil sa ipinamalas niyang talento sa pag-arte sa katotohanang nagsimula siyang pumasok sa showbiz sa napakamurang edad, kung kaya’t ganoon na lamang karami ang umiidolo sa kanya. Dahil dito ay nagawa niyang mag-iwan ng marka sa industriyang kinabibilangan.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Tila nananalaytay sa dugo ng panganay na anak ni Niño na si Sandro ang pagiging aktor. Kamakailan lamang nang pumirma si Sandro ng kontrata sa GMA Network at ngayon nga ay isa ng opisyal na Kapuso artist!

Mana sa ama ay sobrang talented rin ni Allessandro Martinno M. Muhlach o mas kilala sa palayaw nitong “Sandro.” Sa likod ng kamera ay mahilig rin siyang maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan. May talento rin si Sandro sa pagkanta, pagsayaw, at pag-gigitara.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Dahil close silang mag-ama ay nakasanayan na ni Niño at Sandro ang magscuba diving. Sa katunayan ay mayroon ng diving license si Sandro noong siya’y tumungtong sa 14 na taong gulang.

Hindi pa man opisyal na nakikita sa mga palabas si Sandro ay nakikita na siya sa ilang commercial katulad na lamang ng Casin0 Alcoh0l at BDO. Bukod dito ay isa ring kilalang theatre actor si Sandro simula noong siya’y 13 taong gulang pa lamang na labis na hinangaan ng netizens.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Hindi naman maipagkakaila na sobrang talented ni Sandro. Hindi na rin kataka-taka pa kung magdadagsaan ang kanyang mga fans sa oras na siya’y bumida sa telebisyon.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Nito lamang weekend ay nasilayan siya ng publiko nang nagpakita siya sa All Out Sundays kasama ang AyOS barkada. Opisyal niyang inanunsyo ang balita sa Instagram na inulan naman ng komento ng netizens na nagsasabing aabangan nila si Sandro.

Sa edad na 21 ay napakalaki na ng potensyal ni Sandro. Mula kay Aga Muhlach hanggang sa ama na si Niño Muhlach na parehong naghatid ng kilig at saya sa mga manonood at nag-iwan ng magandang reputasyon sa industriya ay malaki ang expectations ng karamihan kay Sandro.

Credit: @sandromuhlach Instagram

Hindi pa man masyadong nakikita sa telebisyon ngayon ay dahan-dahan na namang napapatunayan ni Sandro ang sarili.