Kilalanin ang dalawa pang mga artistahing kapatid ng napakagandang aktres na si Kristine Hermosa

Sino nga ba ang hindi hahanga sa taglay na kagandahan ng aktres na si Kristine Hermosa?

Credit: @kathhermosa Instagram

Mula noon hanggang ngayon, nanatiling isa si Kristine sa mga may pinakamagandang mukha sa showbizness kahit hindi na siya aktibo sa paggawa ng mga teleserye at pelikula ngayon.

Ngunit nasa dugo na yata talaga ng pamilya nina Kristine ang pagkakaroon ng artistahing mukha. Kahit kasi ang iba pa niyang mga kapatid ay may taglay ding kahanga-hangang ganda at kagwapuhan.

Hindi naman maikakailang namana nilang magkakapatid ang kanilang good looks sa kanilang magulang. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may lahing Spanish at Chinese ang pamilya nina Kristine na kapansin-pansin naman sa kanilang kutis at facial features.

Credit: @khsotto Instagram

Madalas ngang makatanggap ng maraming papuri ang ina ni Kristine na si Maria Alma Hermosa Orille o ‘Mai’ dahil sa kanyang pagiging young looking sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon ng apat na anak.

Samantala, dalawa sila Kristine at Kathleen ang pinasok ang pag-aartista. Unang pumasok sa showbiz ang panganay na si Kathleen at kalaunan ay nadiscover si Kristine at pumasok na din sa mundo ng showbiz. Ang dalawa pang kapatid ni Kristine na sina Maxine at Joshua subalit hindi pumasok sa showbiz, malaki naman ang future sa pag-aartista!

Credit: @khsotto Instagram

Ang isa pang kapatid na babae ni Kristine ay si Maxine. 31 years old na si Maxine at kasal na ito ngunit wala pang anak. Ang nag-iisang kapatid na lalaki naman ni Kristine ay si Joshua. Si Joshua ay 20 years old na.

Credit: @khsotto Instagram

Dahil sa good looks ng bunsong kapatid ni Kristine ay maraming nagtatanong kung susunod din ba ito sa yapak ng kanyang mga ate ngunit kasalukuyang abala ito sa pag-aaral.

Kasalukuyang nag-aaral si Joshua sa Spain at kumukuha ng kursong Modern Languages. Talaga namang napakatalino nito dahil kaya nito magsalita ng anim na linggwahe.

Pangarap ni Joshua ang makapasok sa United Nations at makapaglibot sa iba’t ibang mga bansa.

Credit: @kathhermosa Instagram

Limitado ang detalye tungkol sa ibang mga kapatid ni Kristine at napanatili silang mga pribadong mga idibidwal bagama’t sikat na sikat si Kristine.