Kilalanin ang gwapo at talented na nakababatang kapatid nila Anne Curtis na si Thomas James

Ang magkapatid na sina Anne at Jasmine Curtis-Smith ay kilala sa mundo ng showbiz sa kanilang taglay na kagandahan at galing sa pag-arte.

Credit: @thomasjamescs Instagram

Pero alam ba ninyo na may isa pang kapatid sina Anne at Jasmine na papasa ring maging isang artista tulad nila? Siya si Thomas James ang nakababatang kapatid ng dalawang showbiz royalties na mas kilala ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang palayaw na Tom.

Kung bibisitahin ang Instagram account ni Tom, makikitang siya ay kasalukuyang masayang namumuhay sa Australia kasama ang kanilang ina na si Carmencita Ojales Curtis-Smith.

Sa katunayan, si Tom ay may malapit na relasyon sa kanyang ina na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan noong Nobyembre 2020.

Credit: @thomasjamescs Instagram

Madalas mag-bonding ang mag-ina at sa first-hike experience ni Carmen ay magkasama silang umakyat sa Yarra Ranges National Park sa Victoria, Australia.

Napaka-close rin ni Tom sa kanyang dalawang ate at talaga namang kahit malayo sila sa isa’t isa ay ipinaparamdam pa rin niya ang pagmamahal niya sa mga ito.

Credit: @thomasjamescs Instagram

At noong nakaraang taon lang, naging tito si Tom sa kanyang pamangkin na si Dahlia Amèlie na panganay na anak ng kanyang Ate Anne. Naka-bonding ni Tom ang kanyang napaka-cute na pamangkin dahil matatandaang ipinanganak ito ni Anne sa Australia at doon sila nanatili ng halos isang taon bago bumalik sa Pilipinas.

Credit: @thomasjamescs Instagram

Suportado naman ng kanyang pamilya ang pagiging proud member ni Tom ng LGBT community. Batay sa kanyang mga ibinabahaging larawan sa socmed, in a relationship ngayon si Tom sa kapwa niya music enthusiast na si JXCKY.

Noong July 1 ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 1 taong anibersaryo bilang magkasintahan. At kabilang sa mga bumati sa kanila ay si Jasmine at ang boyfriend naman nitong si Jeff Ortega.

Credit: @thomasjamescs Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Tom ang paggawa niya ng isang music account sa Instagram para sa kanyang mga gagawing musika!

Gumawa naman si Tom ng isang larawan ng kanyang kapatid na si Jasmine na iprinisenta niya sa kanyang paaralan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may angking talento si Tom sa sining at maging sa musika. “Music producer in the making” naman ang nakalagay sa socmed bio ni Tom.

Credit: @thomasjamescs Instagram

Talaga namang hindi lamang ganda ang taglay ng magkakapatid na Curtis-Smith kundi napakaraming talento rin! Kaya naman hindi na nakapagtataka na marami ang humahanga at sumusubaybay sa kanila.