Kilalanin ang gwapong panganay na anak ni Gian Sotto at Joy Woolbright!

Hindi naman talaga maitatanggi na puno ng magaganda at gwapo ang Sotto clan!

Kilala ang pamilyang Sotto bilang mga sikat na mga personalidad sa TV o hindi kaya’y kilalang politicians. Bukod dito ay kilala rin sila sa kadahilanang ang gaganda at gagwapo nila! Sa ilang henerasyon ay nanalaytay pa rin sa kanilang dugo ang pagiging artistahin.

Credit: @hugosotto12 Instagram

Katulad na lamang ni Gian Carlo Sotto, ang kasalukuyang Vice Mayor ng Quezon City. Bukod sa pamamahala sa kanyang nasasakupan at pagkakaroon ng mabuting puso lalo na sa mga nangangailangan ay kapansin-pansin din ang kanyang kagwapuhan.

Credit: @joywsotto Instagram

Taong 2007 nang ikinasal si Gian Sotto kay Joy Marie Woolbright at hanggang ngayon ay nananatili silang matibay. Sa katunayan ay isa sila sa mga hinahangaang pamilya.

Credit: @joywsotto Instagram

Parehong good-looking si Gian at Joy kaya naman hindi kataka-takang gwapo rin ang kanilang panganay na si Vicente Woolbright-Sotto IV o mas kilala sa palayaw na “Hugo”.

Mestizo at mahilig sa musika si Hugo kaya hindi na magugulat ang netizens kung balang araw ay mapagdesisyunan ni Hugo na pasukin ang industriya ng showbiz.

Credit: @joywsotto Instagram

Isinilang si Hugo noong November 24, 2004 at ngayon ay 16 taong gulang na.

Lingid sa kaalaman ng karamihan at dahil hindi rin ito ipinangalandakan ng teenager ay naging extra special ang selebrasyon niya ng kaarawan noong nakaraang taon. Ito ay dahil mas pinili ni Hugo na ilaan ang kanyang espesyal na araw sa pagtulong sa mga taong naapektuhan ng bagy0ng Ulysses kasama ng kanyang Daddy Gian.

Credit: @hugosotto12 Instagram

Mahilig din si Hugo sa music lalo na sa pagkanta at pagpapatugtog ng guitar. Makikita sa mga videos at larawang ibinabahagi ni Joy sa kanyang Instagram account na music ang nagsilbing bonding ng kanyang mag-ama.

Nagbibinata na man ay nananatiling clingy at sweet pa rin si Hugo sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang Mommy Joy. Isa siyang certified “Mommy’s boy”.

Credit: @joywsotto Instagram

Hindi lamang namana ni Hugo ang looks ng kanyang mga magulang dahil bukod sa kanya ay may taglay din na kagwapuhan ang kanyang mga nakakabatang kapatid na sina Edrigo, Sandro, Rosanno, at baby Domiku.

Credit: @hugosotto12 Instagram

Napaka-sweet din ni Hugo sa kanyang nag-iisang babaeng kapatid na si Amari. Palagi siyang nanggigil dito at pinapaulanan ito ng mga halik na siyang kinagiliwan ng mga netizen na nakakakilala sa kanya.

Sa guwapong mukha at pagkahilig sa musika ay hindi kataka-taka kung balang araw ay gumawa si Hugo ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz katulad na lamang ng iba niyang mga kamag-anak.