Madalas nagugulat tayo na mas matangkad pa pala sa totoong buhay ang ating mga hinahangaang artista kaysa sa kung ano ang nakikita natin sa telebisyon.
Alamin sa listahang ito kung gaano kataas ang ilan sa mga hinahangaang artista ngayon sa telebisyon.
1. Dingdong Dantes

Nangunguna sa listahan si Kapuso Ultimate Primetime King Dingdong Dantes. Sa taas na 5’11, bagay na bagay kay Dingdong ang kanyang role na isang sundalo sa Kapuso remake ng hit-Korean drama na “Descendants of the Sun”.
2. Richard Gutierrez

Ang hot daddy at isa sa mga hinahangaang leading man ng kanyang henerasyon na si Richard Gutierrez ay may taas na 6’1.
3. Sarah Lahbati-Gutierrez

Match-made in heaven naman si Sarah Lahbati at ang kanyang asawang si Richard dahil hindi rin ito magpapahuli sa ganda at katangkaran. Sa edad na 27, ay napaka-seksi ni Sarah sa kanyang height na 5’8.
4. Megan Young

Hindi na nakapagtataka kung bakit nasungkit ni Kapuso actress Megan Young ang titulong kauna-unahang Pilipina na nag-uwi ng Miss World crown sa bansa. Bukod kasi sa taglay na ganda at talino, nakatulong din ang taas niyang 5’8 upang makipagkumpitensya sa ibang mga kandidata.
5. Piolo Pascual

Sino namang makakalimot kay Papa P o kay Piolo Pascual? Karapat-dapat kay Piolo na tawaging ‘Ultimate Heartthrob’ dahil sa kanyang husay sa pag-arte, kaakit-akit na mukha samahan pa ng kanyang taas na 5’10. Hindi na nakapagtataka kung bakit sa edad na 43 ay marami pa ring kababaihan ang nabibighani sa aktor.
6. Catriona Gray

Tunay ngang na kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na ang lahat. Mula sa kanyang nakakaakit na kagandahan, talas ng isip at taas na 5’10 ay nahuhumaling sa kanya ang lahat.
7. Isabelle Daza

Kahit na ang actress-model na si Isabelle Daza ay hindi lumahok sa mga beauty pageant, hindi maikakaila na maaari siyang maging isang beauty queen tulad ng kanyang ina na si Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Sa taas na 5’7 at kagandahan ng isang dyosa, maaaring mag-uwi ng korona si Isabelle mula sa isang beauty pageant.
8. Winwyn Marquez

Si Teresita Ssen Marquez o mas kilala ng lahat bilang Winwyn Marquez ay mayroong taas na 5’7. Sa taas na 5’7 ay naging advantage para kay Winwyn ang height para koronohan siya bilang 2017 Reina Hispanoamerica.
9. Xian Lim

Kamangha-mangha rin ang taas ni Kapamilya actor Xian Lim. Sa ngayon, ay mayroong taas na 6’2 si Xian na bumagay sa kanyang charming personality.
10. Bea Alonzo

Isa naman sa maipagmamalaki ni multi-awarded actress Bea Alonzo ang kanyang taas na 5’7. Madalas ang nakakatambal ni Bea sa mga palabas at pelikula ay matatangkad. Kabilang dito ang ka-loveteam niya sa teleseryeng ‘A Love To Last” na si Ian Veneracion na may taas na 6’2.