Kabilang ka rin ba sa mga nabighani sa taglay na kagwapuhan ni Aga Muhlach?
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Isa si Aga Muhlach sa mga hinahangaang matinee idol noong 80s. Dahil sa kanyang kagwapuhan, walang dudang maraming mga kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Sa murang edad ay bumida na sa iba’t ibang pelikula si Aga. Kabilang sa mga unang proyekto ni Aga sa showbiz bilang isang child actor ay ang pelikulang “May Isang Tsuper ng Taksi” noong dekada 70.
Nagpatuloy naman ang karera ni Aga sa showbiz. At nang siya ay nagbinata na ay napabilang siya sa ilang sikat na youth-oriented shows tulad ng “Bagets”. Pagkatapos nga ng nasabing palabas, sumikat si Aga bilang isang matinee idol.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Taong 2001 naman nang pinakasalan ni Aga ang beauty queen-turned-actress na si Charlene Gonzalez. Hindi nagtagal ay nagkaanak sina Aga at Charlene ng kambal na sina Atasha at Andres.
Ilang taon ang makalipas mula nang maipanganak ni Charlene sina Andres at Atasha ay makikitang malalaki na ito ngayon.
Mainit sa mata ng maraming tao sina Andres at Atasha dahil sa kanilang hindi maitatagong ‘artista genes’.
Sa kasalukuyan ay binatang-binata na ang anak na lalaki ng celebrity couple na si Andres at marami rin ang humahanga sa kagwapuhan nito.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Tulad kasi ng kanyang ama ay may taglay na angking kapogian din si Andres. Madalas na maagaw ni Andres ang atensyon ng marami dahil sa kanyang mala-heartthrob looks at karisma.
Pasok na pasok din na maging isang modelo si Andres. Bukod kasi sa gwapong mukha, matangkad at may taglay rin itong magandang katawan. Hindi naman nakakapagtaka ang pagkakaroon ng magandang katawan ni Andres dahil aktibo ito sa paglalaro ng basketball at pagwo-workout.
Samantala, kahit hindi tuluyang pumasok si Andres sa pag-aartista ay pinasok naman niya ang pagmomodelo.
Credit: @aagupy Instagram
Kabilang si Andres sa mga modelo ng sikat na clothing brand na Bench at noong nakaraang taon ay nagkaroon siya ng isang billboard sa EDSA.
Noong nakaraang April naman ay ibinahagi ni Andres ang summer campaign video ng Bench kung saan ay siya ang modelo.
Kahanga-hanga ang makikitang kagwapuhan ni Andres sa nasabing video kaya naman umani siya ng papuri mula sa maraming netizens.
Credit: @aagupy Instagram
Ngunit sa kabila ng pagiging artistahin ni Andres, tila wala naman talaga sa plano nito ang pumasok sa showbiz dahil mas nakapokus ito ngayon sa kanyang pag-aaral.
Matatandaang noong May 2020 ay nagtapos sa kanyang high school si Andres at ang kambal nitong si Atasha. January ngayong taon naman ay naging emosyonal si Charlene sa pag-alis ni Andres papuntang Spain upang doon mag-aral ng kolehiyo.