Nakilala si Herlene Nicole Budol ng mga manonood bilang si “Hipon Girl” sa variety show ng host na si Willie Revillame na “Wowowin”. Si Willie ang nakadiskubre sa talento ni Herlene sa pagho-host at pagpapatawa nang minsan ay naging kalahok ito sa isang segment ng kanyang programa na “Willie of Fortune”.
Credit: @herlene_budol Instagram
Simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kasikatan ni Herlene at naging regular host na rin siya sa “Wowowin”.
Noong 2019 naman ay marami ang kinilig matapos ‘mabingwit’ ni Herlene ang puso ng isang Amerikano na miyembro naman ng U.S. Navy.
Nabighani nga ang Amerikanong si Patrick Bolton at dinalaw at dinalhan pa si Herlene ng bulaklak sa studio ng “Wowowin”.
Credit: @herlene_budol Instagram
Sa kabila naman ng hindi maitagong ‘chemistry’ nina Herlene at Patrick ay mukhang hanggang doon lamang ang relasyon nilang dalawa dahil sa tunay na buhay ay ‘taken’ at may nagpapatibok na pala sa puso ni Hipon Girl.
May nobyo na nga si Herlene na kamakailan lamang ay ipinakilala niya sa lahat.
Sa isang Facebook post ay binati ni Herlene ang kanyang real-life boyfriend na si Xam Troy Bello. Ipinost din ni Herlene ang ilang photos nila ng kanyang nobyo kalakip ang isang sweet message.
Credit: @herlene_budol Instagram
Ani Herlene, “MAY BOYFRIEND AKOOOOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY [red heart emoji] Hi My Bebe Loves Happy Happy birthday sayo, first of all hanggang dulo I LOVE YOUUUU [kissing emoji]”
Ayon pa kay Herlene, hindi niya ipagpapalit ang kanyang nobyo sa mga lalaking nali-link sa kanya sa telebisyon.
Credit: @herlene_budol Instagram
Dagdag ni Herlene, “Eto lang promise ko sayo kahit sino dumating ikaw pa din pang tv lang sila ikaw pang reality [couple emoji] madami na tayo pinagdaanan kaya wapakels na sa mga chismosa at mga manggugulo. Walang kilig na makakatumba sa araw-araw mong dulot.”
Pinasalamatan din ni Herlene ang kanyang nobyo dahil lagi umano siya nitong pinapasaya. Dagdag pa ni Herlene, inspirasyon niya ang kanyang nobyo.
Credit: @herlene_budol Instagram
“Sana maging masaya lang tayo, salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES Xam Troy Bello [heart emojis],” ani Herlene.
Samantala, bukod sa pagiging host ay isa na ring aktres at mang-aawit si Herlene. Noong 2020 ay una niyang ipinamalas ang kanyang galing sa pag-arte sa isang special episode ng “Magpakailanman”. Siya naman ang kumanta sa kantang “Talikodgenic Man Ako” na isinulat ng composer na si Lito Camo.