Kilalanin ang maganda at talented na anak ng aktor na si Joko Diaz na si Ashley!

Kung mahilig kang manood ng mga Pinoy action movie, marahil ay kilalang-kilala mo ang aktor na si Joko Diaz. Si Joko ay isa sa mga respetado at tinitingalang aktor sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas.

Credit: @akosijokodiaz Instagram

Unang sumikat noong dekada 80 si Joko bilang isang matinee idol. Bumida rin siya sa maraming pelikula, teleserye at TV shows kung saan ay nakilala siya dahil sa kanyang kontrabida role. Siya ay kilala rin bilang anak ng namayapang action star legend na si Paquito Diaz kung saan marahil namana niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Credit: @_ashleydiaz Instagram

Sa kasalukuyan ay may isa pang miyembro sa pamilya ni Joko na unti-unting gumagawa ng pangalan sa showbiz. Ito ang kanyang panganay na anak sa kanyang asawang si Abigail na si Ashley.

Kahanga-hanga ang ipinapakitang closeness nina Joko at Ashley bilang mag-ama. Makikita sa Instagram account ni Joko ang napakaraming sweet photo nila ni Ashley na kuha sa kanilang father-and-daughter bonding moments.

Credit: @akosijokodiaz Instagram

Naagaw naman ni Ashley ang atensyon ng marami dahil sa kanyang angking kagandahan. Likas na maganda at maamo ang mukha ni Ashley, isang bagay na kapansin-pansin lalo na sa mga letrato na ipinopost niya sa kanyang Instagram account.

Credit: @_ashleydiaz Instagram

Samantala, si Ashley tulad ng kanyang ama at lolo ay talentado rin. Kaya nga lang hindi sa pag-arte gumagawa ng pangalan si Ashley ngayon kundi sa pagkanta na aniya ay namana niya sa kanyang nanay.

Credit: @akosijokodiaz Instagram

Noong 2018 ay nag-debut sa showbiz si Ashley matapos niyang pumirma ng kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency. At noong nakaraang March 2020, inilabas ni Ashley ang kanyang debut music single na “Pag-ibig Na Ito”.

Credit: @akosijokodiaz Instagram

Suportado naman ni Joko at ng kanyang asawang si Abigail ang pagpasok ni Ashley sa showbiz. Kaya lang tulad ng ibang celebrity parent, may bilin si Joko kay Ashley at isa rito ay huwag nitong pabayaan ang kanyang pag-aaral.

Credit: @_ashleydiaz Instagram

Noong nakaraang taon ay nagtapos sa kanyang Junior High School si Ashley. Sa kalagitnaan din ng qu@rantine ay sinimulan ni Ashley ang kanyang karera bilang isang YouTuber. Maliban sa pag-aaral, isa ang pagba-vlog sa mga pinagkakaabalahan ni Ashley ngayon.