Kilalanin ang maswerteng lalaking bumihag sa puso ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Maraming netizens ang “curious” sa buhay pag-ibig ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos niyang aminin sa isang panayam na may nobyo na siya. Marami ang gustong makilala ang lalaking bumihag sa puso ng beauty queen.

Credit: @neilow Instagram   

Sa panayam niya sa Kapamilya TV host-reporter na si Dyan Castillejo, nabanggit lamang ni Rabiya na mayroon na siyang kasintahan at anim na taon na silang nasa relasyon ngunit hindi niya sinabi ang pangalan nito.

Ngunit sa dami nang gustong malaman kung sino ang tinutukoy ni Rabiya sa panayam ay agad nabunyag ang pangalan ng kanyang nobyo. Kinilala ang matagal nang karelasyon ni Rabiya bilang si Neil Salvacion.

Credit: @neilow Instagram

Ayon nga sa kwento ni Rabiya, nagkakilala sila ni Neil sa kolehiyo at ‘going strong’ nga ang relasyon nila ng nobyo na isa palang medical frontliner. Si Neil ay graduate ng nursing at isa nang registered nurse ngayon.

Base na rin sa kwento ni Rabiya, si Neil ay tubong Sta. Barbara, Iloilo City. Ibinunyag din ni Rabiya na si Neil ang pinakauna niyang naging nobyo. At bago pa man siya magwagi sa Miss Universe Philippines pageant, ay nangako umano si Rabiya kay Neil na hindi niya ito hihiwalayan kahit pa masungkit niya ang korona.

Credit: @neilow Instagram

Aniya, “I do have [a boyfriend]. We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend… We’ve been together since college. I can make a man stay! He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that! He made me do that.”

Samantala, sa kanyang panayam sa Bombo Radyo noong Nobyembre 2, sinabi ni Rabiya na masuwerte siya na mayroon siyang kasintahan na tulad ni Neil na sumusuporta sa kanyang career at naiintindihan ang kanyang mga tungkulin bilang isang beauty queen.

Credit: @neilow Instagram

Saad ni Rabiya, “May ara na ko migo. hahaha. 6 years na po. Buenas man ako sa iya. Actually, proud gid siya ya noh. Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Dagdag ni Rabiya, “Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya…Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already.”

Sa huli ay binigyang-diin ni Rabiya na hindi niya hihiwalayan si Neil kahit pa nakamit na niya ang korona. Ani Rabiya, sisiguraduhin umano nila ni Neil na hindi sila magiging katulad ng ibang magkasintahan na naghihiwalay din kalaunan matapos makamit ng babae ang korona.

Credit: @neilow Instagram

Ani Rabiya, “Damo gahambal nga ang iban mabreak man na after having the crown. But we will make sure to work things out.”

Naniniwala rin si Rabiya na, “If it’s true love, it will never end.”