Kilalanin ang mga anak ni James Blanco na pinagpala hindi lamang sa hitsura kundi pati sa talento!

Marami ang humahanga sa galing sa pag-arte ng aktor na si James Blanco. Si James ay maagang pumasok sa mundo ng pag-arte. Isa sa mga pinakaunang TV show ni James ay ang Kapuso teen-oriented show na “Click”. Pagkatapos ng “Click”, naging sunod-sunod ang mga proyekto ni James sa telebisyon.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Ilan lamang sa mga proyekto ni James sa Kapuso network ay “MariMar”, “Yagit”, at “Prima Donnas”. Nang lumipat naman si James sa ABS-CBN network, samu’t saring proyekto rin ang kanyang ginawa. Kabilang na rito ang “The K!ller Bride” at “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Samantala, sa kabila ng pagiging abala ni James sa kanyang trabaho, sinisigurado pa rin niya na may oras siya para maka-bonding ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang mga anak.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Bagaman hindi masyadong halata dahil sa kanyang batang hitsura at magandang katawan, ngunit si James ay ama na sa tatlong anak nila ng kanyang asawa na si Tania Creighton. Dalawa sa mga anak ni James ay lalaki na ngayon ay mga ganap nang binata.

Madalas na kasama ni James ang kanyang mga anak sa mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Nito lamang February 23, isang larawan ang ibinahagi ni James kung saan makikita siyang nasa isang gym kasama ang kanyang mga anak na sina Iñigo at Sebastian.

Sobrang bilis nga ng panahon dahil ngayon ay halos kasing tangkad na ni James ang kanyang dalawang anak.

Bukod pa rito, kapansin-pansin din ang taglay na kagwapuhan ng mga ito na umaani naman ng maraming paghanga mula sa netizens.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Ang panganay ni James na si Iñigo ay tulad niyang mahilig sa basketball. Magaling sa basketball ang panganay ni James at sa katunayan isang manlalaro ng basketball team ng kanyang paaralan. Sobrang pogi rin ni Iñigo tulad ng kanyang ama.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Hindi naman magpapahuli ang pangalawang anak ni James na si Sebastian dahil napaka-talented din nito. Sa kanyang murang edad, ipinapakita na ni Sebastian ang kanyang galing sa pagkanta. At bukod sa kanyang talento, pinagpala rin si Baste pagdating sa kanyang ‘looks’ dahil napakagwapo rin niya.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Mala-prinsesa naman ang taglay na kagandahan ng bunsong anak at unica hija ni James na si Natalia.
Siyempre, tulad ng kanyang mga kuya ay may natatanging talento ring taglay si Natalia. Noong 2019, labis na pinasaya ni Natalia ang kanyang mga magulang matapos niyang manalo ng gold medals sa isang gymnastics competition na ginanap sa kalapit lamang na bansa ng Pilipinas na Bangkok, Thailand.

Credit: @jamesfrancocastillo Instagram

Marami naman ang nagsasabi na kamukhang-kamukha ni Natalia si James at base sa kanilang mga cute photo ay totoo nga ito.

Hindi na nga kataka-taka kung balang araw ay magiging artista rin ang mga anak ni James dahil bukod sa kanilang taglay na magandang histura, may talento rin silang maipagmamalaki sa lahat.