Kilalanin ang napakagandang ang anak ng beteranong aktor na si Jestoni Alarcon na pinasok na rin ang showbiz!

Mayaman ang dekado 80 sa mga pelikula at teleseryeng puno ng aksyon at bakbakan kung kaya’t ganoon na lamang karami ang pag-usbong ng mga action stars. Dahil sa hindi malilimutang mga pagbibida ay maraming aktor noon ang kilala pa rin hanggang ngayon. Isa na nga rito ay si Jestoni Alarcon.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Ubod sa kagwapuhan at mahusay rin sa pag-arte ay naging daan ito upang patuloy na lumawig ang pangalan at impluwensya ni Jestoni noong kanyang kapanahunan. Dahil sa gwapong mukha ay isa siya sa mga kinahuhumalingan ng mga kababaihan noon. Bukod dito ay mahusay rin ang aktor sa pag-arte dahilan para kaliwa’t kanan ang kanyang mga naging proyekto.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Isa si Jestoni Alarcon sa mga aktor noon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na iniidolo at tinitingala ng napakaraming tao. Maliban sa pag-arte ay may kalidad din si Jestoni pagdating sa politika. Sa kasalukuyan ay isa siyang Board Member sa unang district ng Rizal matapos siyang manalo noong 2019 Halalan.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Sa usapang pamilya naman ay hindi maitatanggi na napakaganda ng pamilya ng aktor. Todo suporta ang kanyang asawa na si Lizette sa lahat ng kanyang gustong gawin. Sa ngayon ay may tatlo silang anak na malalaki na. Ito ay sila Jessica, Anthony, at Angela Alarcon. Hindi naman maitatanggi na namana ng mga anak ang good looks ng kanilang ama.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Katulad ni Jestoni ay napagdesiyunan din ng kanyang anak na si Angela na pumasok sa showbiz. Dahil sa pagsali ni Angela sa industriya ay naagaw niya ang atensyon ng karamihan lalo nang malamang ama niya ang isa sa mga sikat na aktor noon.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Bukod sa napakagandang mukha ay mahusay rin si Angela sa pag-arte. Nagsimula siyang makilala nang naging bahagi sa teleseryeng “Babawiin Ko Lahat” at sa iilang episodes ng “Magpakailanman”.
Sa katunayan ay gumanap din kumakailan si Angela bilang si Leila sa isang episode ng “Magpakailanman”. Ayon sa aktres ay ito ang kauna-unahan niyang “lead role”.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Mas lalo lamang na hinangaan ng netizens si Angela nang nalamang graduate pala siya sa kursong Speech Communication sa University of the Philippines bilang isang Cum Laude.

Credit: @angelaalarcon Instagram

Sa ngayon ay nagsisimula pa lamang si Angela sa kanyang karera bilang aktres pero marami na ang umaasa na susunod siya sa naging yapak ng ama na isang sikat na aktor noong kanyang kapanahunan.