Kilalanin ang napakagandang mas nakakabatang kapatid ng aktor na si Ruru Madrid na si Rere!

Isa sa mga hinahangaang matinee idol ngayon sa telebisyon ay ang 23-taong gulang na aktor na si Ruru Madrid.

Credit: @athenahmadrid Instagram  

Unang nakilala si Ruru noong 2012 nang sumali siya sa talent reality show na “Protégé: The Battle For The Big Artista Break” kung saan ay itinanghal naman siya bilang runner-up ng grand winner na si Jeric Gonzales.

Pagkatapos namang magwakas ng nasabing kumpetisyon ay maraming pinto ang nagbukas para kay Ruru sa showbiz industry.

Matatandaang taong 2016 nang napabilang si Ruru sa Kapuso fantaseryeng “Encantadia”. Ang mahusay naman na pagganap ni Ruru sa kanyang karakter na si Ybarro o Rama Ybrahim ay tumatak sa maraming manonood. Kaya naman noong 2017 ay pinarangalan siya bilang Best Drama Actor sa 31st PMPC Star Awards for Television.

Credit: @athenahmadrid Instagram

Samantala, bukod sa talento sa pag-arte hinahangaan din ng maraming netizens ang taglay na kagwapuhan ni Ruru. Pinupusuan din ng netizens ang kanyang mga TikTok videos kung saan ay ipinapakita niya ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Ngunit maliban kay Ruru, may isa pang miyembro ng kanilang pamilya ang sumabak na rin sa pag-aartista at ito ay ang kanyang napakagandang kapatid na si Athena Merrique Madrid.

Bago pa man pumasok sa showbiz, naagaw na ni Athena ang atensyon ng marami dahil sa kanyang angking kagandahan at kas3ksihan!

Credit: @athenahmadrid Instagram

Unang sumabak sa pagmomodelo si Athena noong 2018 kung saan ay isa siya sa mga modelong naglakad sa Bench Fashion Show.

Hanggang noong 2019 ay sumali siya sa ika-7 season ng reality TV show na “StarStruck” kung saan ay nakilala siya sa kanyang stage name na “Rere”.

Hindi naman maipagkakaila ang malaking pagkakahawig ni Athena sa kanyang Kuya Ruru. Tulad ng kanyang Kuya Ruru ay may ipagmamalaking ganda at talento rin si Athena sa marami. Sa nasabing kumpetisyon ay ipinamalas ni Athena ang kanyang husay sa pagkanta at pag-arte.

Credit: @athenahmadrid Instagram

Hindi man sinuwerteng manalo sa kumpetisyon, sunod-sunod naman ang biyayang dumating kay Athena.

Sa ngayon ay unti-unti nang gumagawa ng kanyang sariling pangalan ang 20-taong gulang na kapatid ni Ruru sa showbiz.

Credit: @athenahmadrid Instagram

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Kapuso network na isa si Athena sa mga mapapanood sa kanilang upcoming teleserye na “To Have And To Hold” katambal ang hunk actor na si Luis Hontiveros.
Ipinagdiwang naman ni Athena kamakailan ang pagkakaroon niya ng 300K followers sa Instagram.