Kilalanin ang napakagandang panganay na anak ni Robin Padilla na si Camille

Heartthrob noong kanyang kapanahunan, sweetheart naman ngayon sa mga kalalakihan ang panganay na anak ni Robin Padilla!

Credit: @camiiibella Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi pala si Quennie Padilla ang panganay na anak ng beteranong aktor na si Robin Padilla kundi ay ang anak niya sa dating partner na si Leah Orosa na pinangalanan nilang si Camille.

Si Leah ang babaeng kapareha ni Robin sa pelikulang pinagbidahan nila noong dekada ’90 na pinamagatang “Sa Diyos Lang Ako Susuko” at hindi naman nagtagal nang nahulog ang kanilang loob sa isa’t-isa. Nagkaroon sila ng anak ngunit marahil sa pagiging abala sa kani-kanilang schedule o hindi kaya’y mutual nilang desisyon, napagdesisyunan ng dalawa na tapusin ang kanilang relasyon.

Kahit na’y hiwalay at mayroon nang sariling buhay sa piling ng kani-kanilang mga mahal sa buhay, nagawa naman ni Robin at Leah na ma-fulfill ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang sa kanilang magandang anak na si Camille.

Credit: @camiiibella Instagram

Of course, parehong good-looking ang kanyang parents, talagang hindi na palaisipan kung bakit talagang nakakahalina ang kagandahang taglay ng panganay na anak ni Robin. Base sa mga larawang ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram account, talagang mapapansin ang resemblance niya sa kanyang Mommy Leah ngunit hindi naman maipagkakaila ang bakas ng kagwapuhan ng kanyang ama.

Kung mestiza si Leah, magandang morena naman si Camille!

Hindi man pinasok ang mundo ng showbiz katulad ng kanyang mga magulang, aktibo naman si Camille sa social media kung saan ay patuloy siya sa pagbibigay ng updates sa Instagram.

Credit: @camiiibella Instagram

Taong 2016 nang nagbahagi ng larawan si Camille kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang Daddy Robin na noo’y may mahabang buhok.

“When your dad is #JohnnyDepp,” sulat ni Camille sa kanyang caption.

Inulan naman ng papuri galing sa fans ng aktor ang mismong comment section ni Camille. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang komento:

“ganda ng anak ni idol..”

Credit: @camiiibella Instagram

“The pretty and the idol 😎”

Maaalalang minsan nang nakul0ng si Robin at ayon kay Camille, sa kulung@n umano niya unang nakilala ang kanyang ama at wala naman siyang mas ipa-proud pa nang nagsilbi ngayong inspirasyon ang kanyang ama para sa karamihan matapos itong magbagong-buhay.

2019 nang natapos ni Camille ang kanyang Master’s Degree sa Information and Data Science na ayon sa kanya ay ang kanyang Daddy Robin umano ang nag-encourage sa kanyang mag-enroll.

Malayo man sa isa’t-isa, napaka-sweet naman nilang mag-ama lalo na sa mga reply nila sa posts ng bawat isa.