Kilalanin ang napakagwapong anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso na pumasok na rin sa mundo ng showbiz

Isa sa mga hinahangaang aktor noon sa telebisyon si Mayor Isko Moreno. Bago niya pasukin ang mundo ng pulitika, ay pinabilib at pinahanga muna ni Mayor Isko ang mga Pinoy dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Credit: @jdomagoso Instagram

Maliban sa husay sa pag-arte ay maituturing din si Mayor Isko na isang matinee idol dahil sa kanyang taglay na karisma at kagwapuhan.

Credit: @jdomagoso Instagram

Mula noon hanggang ngayon ay hindi kumukupas ang kagwapuhan ni Mayor Isko. Sa katunayan, isa nga raw si Mayor Isko sa mga pinakagwapong alkalde sa buong Pilipinas.

Credit: @jdomagoso Instagram

Ang kanyang anak nga na si Joaquin Domagoso ay sumunod na rin sa kanyang yapak bilang artista.
At tulad ng kanyang ama, nakuha rin ni Joaquin ang atensyon ng mga tao dahil sa kanyang guwapong mukha.

Credit: @jdomagoso Instagram

Ngunit bukod sa kanyang kagwapuhan, si Joaquin ay isa ring napaka-talented na aktor tulad ng kanyang ama. Sa ngayon, ay unti-unti nang nakikilala si Joaquin sa larangan ng pag-acting.

Credit: @jdomagoso Instagram

Unang napanood ang talento ni Joaquin sa pag-arte sa Kapamilya TV show na “Ipaglaban Mo” noong June 1, 2019. Nasundan naman agad ito nang bumida siya sa Kapuso drama na “Maynila” na umere noong July 13, 2019.

Credit: @jdomagoso Instagram

Maliban sa pag-arte ay marunong ding kumanta, sumayaw, tumugtog ng mga musical instrument at mag-beatbox si Joaquin.

Credit: @jdomagoso Instagram

Kamakailan lamang nga ay nakasama ni Joaquin ang kanyang Papa Isko sa pagsasayaw sa isang Christmas tree lighting event sa isang Mall sa Maynila.

Credit: @jdomagoso Instagram

Isang brand endorser at modelo na rin si Joaquin.

Sa kanyang Instagram account nga ay makikita ang mga letrato ni Joaquin kung saan litaw na litaw ang kanyang gwapo at cute na mukha.

Credit: @jdomagoso Instagram

Marami ngang nakapagsabi na isang “heartthrob in the making” si Joaquin.

Ngayon pa lamang, sa edad na 19 na taong gulang ay maraming kababaihan na ang nabibighani ni Joaquin.

Credit: @jdomagoso Instagram

Nang tanungin naman siya ni Boy Abunda nang minsan ay nag-guest sila ng kanyang Papa Isko sa late night talk show nito na “Tonight With Boy Abunda” noong May 23 ay ibinahagi ni Joaquin na kaya niya gustong pumasok sa showbiz ay para maipamalas ang kanyang talento sa mga tao.

Credit: @jdomagoso Instagram

Aniya, “I want to show to the people my talents…I really want to show the people that I can sing, dance, beatbox and guitar.””

Sa kasalukuyan, ay kabilang si Joaquin sa cast ng Kapuso drama series na “First Yaya”. na siyang kauna-unahang serye na gagawin niya.