Kilalanin ang Pinay na nakabase sa Hawaii na gumagawa ngayon ng ingay sa mundo ng TikTok

Naging instant internet star ang Pinay na si Bella Poarch matapos siyang gumawa ng isang video sa video-sharing mobile application na “TikTok”. Umani ng mahigit 500 million views sa TikTok ang “M to the B” lip-sync video ni Bella.

Credit: Bella Poarch Instagram     

Ngayon ay tinatamasa ni Bella ang kasikatan mapa-local man o international. Matapos ang kanyang viral TikTok video ay lumobo agad ang mga follower ni Bella.

Credit: Bella Poarch Instagram

Mula noong April kung kailan niya ginawa ang kanyang TikTok account ay umabot na sa mahigit 43 million ang follower ni Bella. Ang iba naman niyang video ay nakakakuha rin ng milyon-milyong views at likes. Ngunit sa likod ng kanyang mga viral TikTok video, sino nga ba si Bella?

Credit: Bella Poarch Instagram

Si Bella ay ipinanganak sa Pilipinas ngunit ngayon ay nakatira na sa Hawaii matapos mag-migrate ang kanyang pamilya noong siya ay 13-anyos pa lamang. Sa ngayon ay 23 taong gulang na si Bella.

Dahil sa kanyang cute personality at nakakaaliw na TikTok video kaya nakuha ni Bella ang atensyon ng lahat.

Mamamangha ka naman kay Bella dahil sa likod ng kanyang cute personality ay isang ‘soldier’ pala.

Credit: Bella Poarch Instagram

Bago kasi gumawa si Bella ng mga nakakaaliw na video sa TikTok ay isa muna siyang sundalo at nagsilbi ng tatlong taon sa U.S. Navy.

Hindi naman ikwenento ni Bella ang dahilan kung bakit siya umalis sa U.S. Navy. Hula ng ilan kaya siya umalis sa U.S. Navy ay dahil nakakaranas siya ng mental health problems.

Credit: Bella Poarch Instagram

Base naman sa inamin ni Bella sa isang Twitter post, ay totoo ngang may nararanasan siyang mental health problem.

“I’m diagnosed with major depress!ve d!sorder and PTSD since 2017. So don’t worry about me, I’ve been living with it and I have a good support system to help me,” sulat ni Bella sa nasabing Twitter post.

Credit: Bella Poarch Instagram

Noong September naman ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Bella matapos siyang punahin ng mga Koreano dahil sa kanyang “rising Japanese sun” tattoo. Labis na nasaktan ang mga Koreano dahil para sa kanila ang tattoo ni Bella ay nagpapaalala sa kanila sa naranasan nilang ‘oppresi0n’ mula sa mga Japanese.

Matapos makatanggap ng matinding ‘backlash’ si Bella mula sa mga Koreano ay isang public apology statement ang kanyang inilabas.

Credit: Bella Poarch Instagram

“I’m very sorry if my tattoo offends you. I love Korea please forgive me,” pahayag ni Bella.

Sa ngayon ay patuloy na namamayagpag si Bella sa mundo ng TikTok kung saan ay nakikipa-collaborate na rin siya sa iba pang TikTok stars.