Kilalanin ang proud Ilongga na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo

Isa sa mga pinaka-inaabangang beauty pageant sa bansa ay ang prestihiyosong Miss Universe Philippines.

Credit: @rabiyamateo Instagram         

Noong October 25, ay ginanap ang kauna-unahang stand-alone Miss Universe Philippines 2020 sa ilalim ng bagong management na pinangungunahan ni Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup na tumatayo bilang National Director.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Kinorohan bilang Miss Universe Philippines 2020 ang pambato ng Iloilo City na si Rabiya Mateo.
Sa kanyang taglay na kagandahan, kumpiyansa sa sarili at katalinuhan ay tinalo ni Rabiya ang 40 Pinay aspiring Miss Universe candidates.

Credit: @kweenofpageantry Instagram

Bilang Miss Universe Philippines 2020 ay marami ang nagtatanong kung sino nga ba at saan nanggaling si Rabiya Mateo?

Credit: @rabiyamateo Instagram

Sa likod ng kanyang tagumpay sa mundo ng beauty pageant, ay isang anak si Rabiya na nagsisikap at nagpupursige para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa isang broken family si Rabiya. Sa murang edad ay iniwan na si Rabiya at ang kanyang ina at isang kapatid ng kanilang ama na isang Indian.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Lumaki sa isang hindi marangyang pamilya, ay nagsikap si Rabiya na makapagtapos ng pag-aaral para suportahan ang kanyang pamilya. Para sa beauty queen, ang makapagtapos ng pag-aaral ay ang isa sa mga ipinagmamalaki niyang achievement sa buhay.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Taong 2018 ay nakamit ni Rabiya ang kanyang Bachelor of Science Degree in Physical Therapy sa Iloilo Doctor’s College kung saan ay nagtapos siya bilang cum laude. Sa ngayon, ay isang licensed physical therapist si Rabiya.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Ngunit sa halip na magtrabaho bilang isang Physical Therapist sa loob ng isang klinika ay pinili ni Rabiya na ibahagi ang kanyang mga natutunan bilang isang Physical Therapist at naging isang lecturer sa iba’t ibang review center sa kanilang probinsiya.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Simula nang makapagtrabaho ay si Rabiya na ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.

Hanggang sa itinanghal siya bilang Miss Iloilo noong 2019 na nagbigay daan sa kanya para i-representa ang magandang lungsod ng Iloilo sa Miss Universe Philippines 2020. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali si Rabiya sa isang beauty pageant.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Isa naman sa mga tumulong at humasa sa kanya para masungkit ang korona ay ang parehong beauty camp na pinanggalingan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Versoza na Aces and Queens.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Si Rabiya ang magiging pambato ng Pilipinas sa inaabangang Miss Universe 2020 beauty pageant.
Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan gaganapin ang Miss Universe 2020.