Kilalanin ang rapper at artistahing anak na lalaki ni action star Jeric Raval na si Ace Raval!

Isa si Jeric Raval sa mga tinaguriang action star icon sa Philippine showbiz industry. Dahil sa kanyang galing sa pag-arte kaya magpahanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktor sa paggawa ng mga teleserye at pelikula. Mula nga nang makilala si Jeric bilang isang action star noong 90s ay halos hindi na mabilang ang action series at movies na kanyang pinagbidahan.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Hindi naman maikakaila na malaking kontribusyon sa kasikatan ni Jeric ang kanyang taglay na badboy image at kagwapuhan na nagpag-ibig sa maraming kababaihan. Dahil dito kaya naman maraming babae ang nauugnay sa kanya, artista man o hindi. Talaga namang naging makulay ang buhay pag-ibig ni Jeric na nasubaybayan ng marami. Kaya hindi na nakapagtataka na sa edad na 47, mayroon nang 18 anak si Jeric mula sa iba’t ibang babae na kanyang nakarelasyon.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Maugong naman ngayon ang pangalan ng isang anak ni Jeric na si AJ Raval dahil sa makulay din nitong buhay pag-ibig. Lingid sa kaalaman ng marami, sa 18 anak ni Jeric si AJ lamang ang sumunod sa kanyang yapak bilang isang artista. Isa lamang ang ina ni AJ na ang napakagandang aktres at dating beauty queen na si Alyssa Alvarez sa mga babaeng napaibig ni Jeric.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Maituturing na sikat na sikat ngayon si AJ lalo na dahil sa mga kontr0bersyal na proyekto na kanyang pinagbibidahan bilang isang s3xy actress. Sa katunayan, binansagan si AJ bilang bagong “Pantasya ng Bayan” dahil sa kanyang mga ginagampanang daring at s3xy role na mainit na pinag-uusapan sa social media.

Tulad naman ng kanyang Tatay Jeric, mahusay ding umarte si AJ. Maliban dito, may taglay din siyang natural na karisma at ganda na hinahangaan ng marami.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Ngunit alam ba ninyong may isa pang anak si Jeric kay Alyssa na artistahin din? Siya si Ace Raval, ang gwapo at astig na anak ni Jeric. Kapansin-pansin sa mga larawan na ipino-post ni Ace sa kanyang social media ang kanyang maliit na mukha at chinitong mga mata na talagang namana niya sa kanilang Tatay Jeric.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

At bagaman hindi pumasok sa showbiz si Ace, gumagawa naman siya ngayon ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng musika bilang isang rapper. Matatandaang noong February 4 ay unang lumabas ang music video ng kanta ni Ace a.k.a. Drizzy Ace na “Madaling Araw” kung saan kasama niya si AJ.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Batay naman sa ilang report, may anak na si Ace. Siya rin ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng Viva Records.

Samantala, makikitang close sa isa’t isa ang 18 anak ni Jeric kahit pa iba-iba sila ng nanay, isang bagay na hinahangaan ng marami. Nagpapatunay lamang din ito na sa kabila ng pagkakaroon ng maraming anak ng aktor ay nabibigyan niya ang mga ito ng pantay na pagmamahal at atensyon.