Kilalanin kung sino ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ni Willie Revillame na ipinakilala niya sa “Wowowin”

Hindi madalas makita sa telebisyon ang mga anak ni Kapuso TV host Willie Revillame o mas kilala ng mga Pinoy bilang “Kuya Wil”.

Ngunit nitong October 9, sa “Tutok To Win” segment ng kanyang afternoon variety show na “Wowowin” ay nagkaroon ng appearance ang kanyang bunso at nag-iisang anak na lalaki na si Juan Emmanuel o mas kilala sa kanyang palayaw na Juamee.

Credit: Wowowin YouTube

Si Juamee ay anak ni Willie sa dating asawang si Liz Almoro.

Sa programa ay mapapanood si Willie na proud na proud na in-introduce si Juamee sa manonood.
Pagpapakilala ni Willie sa anak, “At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame.”

Credit: Wowowin YouTube

Napansin naman ni Willie ang Korean pop o K-pop hairstyle ni Juamee. Hindi pinalagpas ni Willie na gayahin ang hairstyle ng anak. Nagpakuha ito ng suklay sa kanyang hairstylist at ginaya ang K-pop hairstyle ni Juamee.

Credit: Wowowin YouTube

Ani Willie sa programa, “Ba’t ba ganyan ang buhok niyan naka-ganon? K-pop? Penge ngang brush, K-pop nga ko. Uso ba ngayon ‘yan, K-pop?”

Credit: Wowowin YouTube

Napuno naman ng tawanan sa loob ng “Wowowin” studio dahil mismong si Willie ay aminado na hindi bagay sa kanya ang hairstyle ng anak.

Credit: @_marimonte Instagram

Sambit ni Willie, “K-pop ha? Grabe ang panget ko. Mukha nga akong koreanong ewan ha.”

Gayunpaman, ay makikita ang hindi maitagong kasiyahan sa mukha ng TV host.

Credit: @_marimonte Instagram

Samantala, matatandaang lumabas na rin noon si Juamee sa dating programa ni Willie sa TV5 network na “Wowowillie”.

Credit: @planetumeboshi Instagram

Sa pilot episode ng “Wowowillie” noong January 26, 2013 ay nagpakitang-gilas si Juamee sa pagtugtog ng drum. Kagaya ng kanyang Daddy Willie ay may angking galing din sa pag-da-drums si Juamee.

Credit: @planetumeboshi Instagram

Noong 2005 ay nagpakasal sina Willie at model-beauty queen Liz Almoro sa isang civil wedding. Taong 2008 naman nang ma-annul ang kanilang kasal. Sa ngayon, ay masaya na sa piling ng kanyang bagong asawa si Liz na si dating aktor at ngayon ay isang businessman na si Victor Aliwalas.

Credit: @planetumeboshi Instagram

Sa kasalukuyan, ay 14 na taong gulang na si Juamee. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maliban kay Juamee ay may tatlong anak na babae pa si Willie na sina Meryll, Louise Anne at Marimonte Shanelle.