Talagang agaw-pansin ang kagandahang meron si Angeli Khang at kahit na’y bago pa lamang sa industriya ng showbiz, effortless niyang nakukuha ang atensyon ng netizens.
Credit: @angelikhang_ Instagram
Isang half-Korean si Angeli Khang o Agnes Khang sa totoong buhay. Sa virtual press conference na ginanap bago opisyal na ipalabas sa mga sinehan ang pinakabagong pelikula ng Vivamax, ikinuwento ng aktres ang karanasan niya bago makapagdesisyon na pasukin ang showbiz.
Isang general sa army ang Daddy ni Angeli at aminado siyang hindi naging madali para sa kanya na kumbinsihin ito sa kagustuhan niyang maging artista.
“When he knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niyang mangyari sa akin ay sundan yung landas niya sa army and he said that it has a lot of better opportunities din,” kwento ni Angeli.
Gustong-gusto na sundin ang pangarap, kinumbinse ni Angeli ang kanyang Mommy na kalaunan nama’y pinayagan siya at hanggang ngayon, labis na ipinagpapasalamat ng bagong aktres dahil sa wakas, masaya siya ngayon sa ginagawa.
Credit: @angelikhang_ Instagram
Pagbabahagi pa ni Angeli, kinakailangan umano niyang itigil ang kanyang pag-aaral upang habulin ang pangarap. Taong 2017 nang nagsimula ang aktres sa pagco-cosplay at doon niya nadiskubre na kakaiba ang pakiramdam sa tuwing may nagpapa-picture sa kanya kaya nang nagkaroon ng opportunity, walang pasubali umano itong tinanggap ni Angeli.
“Nagawa ko ito dahil dream ko maging artista. Kaya nung nagkaroon ako ng opportunity, I left my school dahil isang opportunity lang ito sa buhay,” saad ni Angeli.
Labis din ang pasasalamat niya sa kanyang manager na si Jojo Velasco dahil siya umano ang nakadiskubre sa potensyal ni Angeli sa pag-aartista.
Kahit na’y pansamantala mang tumigil sa pag-aaral, may malaking plano pa rin naman si Angeli sa buhay at ito ay ang maging chef o lawyer pero sa ngayon, focus umano siya sa kanyang career bilang isang aktres.
Credit: @angelikhang_ Instagram
Pinaghandaan talaga umano ng aktres ang kanyang role sa “Mahjong Nights” dahil naniniwala siyang isa itong “stepping stone” bago makamit ang tagumpay.
Matapos ang kanyang h0t at s3xy back-to back na pelikula ngayong taon, hindi umano ito naging hadlang para kay Angeli na ibigay ang kanyang buong effort sa pag-arte.
“It made me say ‘yes’ nung nalaman ko yung story niya hindi lang basta may magawa, talagang the details, the research, the mental health, the emotions and everything, on point siya,” sabi ni Angeli.
Inanyayahan din ni Angeli ang lahat na panoorin ang “Mahjong Nights” na ipinalabas lamang nitong November 12 dahil isa umano itong “eye opener” at dahil na rin sa mga pasabog at magandang storya ng pelikula na pinagbibidahan nila ni Sean De Guzman.
Credit: @angelikhang_ Instagram
Handa talagang isakripisyo ng isang tao ang ibang bagay upang makamit lang ang pangarap nito at isa na nga rito si Angeli Khang dahil sa malakas na paniniwala nito sa kanyang sarili.
Sadyang matapang na laban para sa isang babaeng puno ng pangarap.