Mula dekada 80 hanggang ngayon, isa si Karla Estrada sa mga namamayagpag na aktres sa showbiz. Siya ay nakilala ng marami dahil sa kanyang talento sa pag-arte, pagkanta at pagho-host kaya naman talagang isa siya sa mga itinuturing na matagumpay na artista ng kanyang henerasyon.
Credit: @magsford Instagram
Ngunit hindi lamang hinahangaan si Karla dahil sa kanyang mga talento kundi dahil din sa kanyang taglay na kagandahan na tila hindi kumukupas sa paglipas ng panahon.
Kaya hindi kataka-taka na maging ang kanyang mga anak ay mayroon ding mala-artistahing kagwapuhan at kagandahan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Karla ang ina ng gwapo at matagumpay na aktor na si Daniel Padilla.
Bilang isang “Queen Mother”, hindi maiwasan ni Karla na maging emosyonal dahil sa sobrang kasiyahan na maging nanay ng isang Superstar. Talagang proud si Karla kay Daniel dahil ang layo na ng narating nito bilang isang aktor.
Credit: @magsford Instagram
Samantala, alam n’yo bang may isang pang anak si Karla na papasa ring maging artista at ito ay walang iba kundi si Margaret Fiona Ford Planas.
Si Margaret o mas kilala ng marami sa kanyang palayaw na ‘Magui’ ang bunga ng pag-iibigan nina Karla at dating Quezon City councilor Mike Planas.
Hindi maikakailang namana ni Magui ang kagandahan ng kanyang ina at talagang lumaki itong isang napakagandang dalaga.
Proud na proud din si Karla sa anak niyang ito dahil lumaki itong mabait at mapagmahal na anak at kapatid. Maliban naman sa pagiging mabuting anak, labis din na ipinagmamalaki ni Karla si Magui dahil sa mga karangalan ibinibigay nito sa kanilang pamilya.
Credit: @magsford Instagram
Bukod kasi sa maganda si Magui, isa ring siyang matalinong estudyante. Patunay ang mga matataas na grado na natamo nito sa kanyang pag-aaral na siya ay isang matalino at masipag na estudyante.
Noong nakaraang taon ay nagtapos si Magui ng Senior High School. Taos-puso namang ipinagmalaki ni Karla noong nakaraang taon sa kanyang Instagram ang achievement ni Magui kung saan nakapasa ito sa isa sa mga prestihiyoso at tinaguriang “number one university” sa Australia na University of Melbourne.
Tila naman nasa lahi na talaga nina Karla ang pagkahilig sa musika. May itinatago rin kasing talento si Magui sa pagtugtog ng ilang instrumento tulad ng gitara at piano at maging sa pagsulat ng kanta, tulad ng kanyang Mommy Karla at Kuya Daniel.
Credit: @magsford Instagram
Pero mukhang nakapokus muna ngayon si Magui sa kanyang pag-aaral at wala pa sa kanyang plano na pumasok sa pag-aartista. Gayunpaman, walang duda na nasa kanya na ang lahat ng kinakailangan para maging isang artista.