Kim Atienza, proud sa kanyang anak na si Jose na naging isang piloto noong Grade 12 pa lang ito!

Normal lamang para sa mga magulang ang maging proud sa achievements ng mga anak. Talagang wala ng mas isasaya pa sa pakiramdam ng isang magulang kapag may napagtagumpayan ang anak.

Credit: @jhatienza Instagram

Kilala si Kim Atienza bilang isa sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagiging matalino ni “Kuya Kim” at sa katunayan ay palagi ngang masaya kapag naibabahagi sa iba ang mga nalalaman.

Maliban dito, kilala rin si Kuya Kim dahil sa kanyang mabuting personalidad. Mapa-on at off cam man, talagang masasabi na isang mabuting kaibigan at mapagmahal siyang ama sa mga anak.

Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan pero sariwang-sariwa pa rin sa pakiramdam ni Kuya Kim nang opisyal na naging piloto ang kanyang panganay na anak.

Credit: @feliciaatienza Instagram

Sa sobrang pagka-proud ni Kuya Kim, ibinahagi niya ang magandang balita sa social media at ipinahayag ang kanyang excitement sa katunayang siya ang pinakaunang pasahero ng anak.

“First flight with Jose as my pilot,” sulat ni Kuya Kim sa kanyang caption.

Credit: @jhatienza Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ni Kuya Kim sa Instagram, makikita kung gaano kawagas ang ngiti ng proud Daddy sa anak na si Jose.

Halos hindi naman makapaniwala ang netizens nang nalamang Grade 12 pa lamang ang panganay na anak ni Kuya Kim na si Jose III Hung Atienza nang maging isang ganap na piloto!

Credit: @jhatienza Instagram

Dahil dito, marami ang humanga sa angking katalinuhan at skills ni Jose dahil sa napakamurang edad ay nagawa na nitong makakuha ng lisensya sa pagpapalipad ng isang eroplano.

Katulad sa kanyang Daddy Kim, napakatalino rin ni Jose! Talagang may pinagmanahan.
Pangako naman ni Kuya Kim, patuloy ang kanyang suporta sa anak kasama ang asawa nito.

“Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!”

Credit: @jhatienza Instagram

Mula pa man noon, may hilig na si Jose sa mga eroplano. Sa katunayan, may mga koleksyon pa nga siyang mga laruang eroplano. Dahil sa matinding paniniwala ng panganay ni Kuya Kim na maaabot nito ang kanyang pangarap, talagang nagawa itong mapagtagumpayan ni Jose.

Maituturing nga naman itong isang nakakahanga at nakaka-proud na “father and son” bonding.