Kim Chiu, aminadong kinabahan nang unang beses umangkas sa motor ni Xian Lim para mag-roadtrip

Nakakatakot man pero talagang kakayanin dahil buong-buo ang tiwala ni Kim Chiu sa boyfriend na si Xian Lim na hindi siya nito pababayaan.

Credit: @chinitaprincess Instagram

Sa getaway nina Kim at Xian sa Buso-Buso Mountain na matatagpuan sa Batangas ay inilarawan ni Kim kung gaano ka-epic ang journey nila ng boyfriend bago pa lamang makapunta sa kanilang destinasyon.

Sa vlog na ibinahagi ni Kim sa kanyang YouTube na pinamatagan niyang “My First Motorcycle Experience with Xian” ay masasaksihan kung paano nakayanan ng aktres ang matinding pagod sa ilalim ng mainit na panahon para lamang makasabayan si Xian.

Credit: @chinitaprincess Instagram

“Talagang nakakalaki talaga iyong pagmo-motor,” pahayag ni Kim sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Ayon pa sa aktres, sobrang haggard niya umano sa kabuuan ng kanilang trip dahil wala siyang suot na make-up tapos may suot pa siyang facemask at helmet.

“I’m sharing with you my first experience na sumakay ng motorcycle with Xi. Nagpunta kami sa magandang place, magandang adventure pero may konting haggardness lang along the way,” sabi ni Kim.

Credit: @chinitaprincess Instagram

Sa vlog na ibinahagi ni Kim ay makikita kung gaano siya kinabahan pero napawi naman ang kanyang pangamba dahil maingat naman si Xian sa pagmamaneho.

“Ito iyong trip ni Xi kaya sakyan natin,” sabi ni Kim sa kabila ng pawis at pagod.

Talagang ininda ni Kim ang matinding init habang nasa biyahe sila pero nang nakarating sa kanilang destinasyon ay bigla umanong nawala ang kanyang naramdamang pagod dahil sa kagandahan ng lugar.

Credit: @chinitaprincess Instagram

“Super nice. Worth it pala iyong pagpunta natin dito. Hinusgahan ko kaagad,” sabi ni Kim nang sa wakas ay nasaksihan ang kagandahan ng view sa tuktok ng bundok.

Aminado naman si Kim na talagang nakakapagod ang naging trip nila ni Xian papuntang Buso-Buso pero dahil kasama naman niya ang boyfriend plus ang magandang view pa sa tuktok ng bundok, worth it naman ang lahat ng naramdaman niyang takot mula sa pag-angkas pa lamang ng motorsiklo ni Xian.

Credit: @chinitaprincess Instagram

“Grabe, Xi! Pagod me! Ang lakas maka-ano… panglalaki talaga ang labanan,” sabi ni Kim nang nakauwi.

Sa ginawa nilang “review” ay tinanong ni Xian si Kim kung ano raw ba ang naramdaman nito sa first time nitong pag-angkas ng motor kasama siya.

“Siyempre kinabahan ako kasi ang laki-laki ‘nung motor mo. Napaka-OA ‘nung motor mo parang kabayong Stallion,” sagot naman ni Kim sa tanong ni Xian.

Nakaramdam man ng kaba sa pag-angkas sa malaking motor ni Xian ay masaya pa rin naman si Kim dahil nakapag-enjoy siya kasama ang boyfriend. Labis rin ang pasasalamat ni Xian sa girlfriend dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang hobby.