Kim Chiu, ipinasilip sa netizens kung ano ang nilalaman ng kanyang ref sa kanyang bahay!

Maraming artista na ang nagkakaroon ng tour sa loob ng bahay o condo, kwarto, bathroom, o hindi kaya’y sa loob ng kanilang sasakyan pero bibihira lamang sa celebrities ang nagpapasilip sa kanilang ref kaya ganoon na lamang katuwa ang netizens nang nagbahagi si Kim ng vlog sa YouTube kung saan ay ipinakita niya ang laman ng kanyang refrigerator.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Katulad ng normal na mga babae, mahilig din si Kim sa pagkain kaya nang ipinasilip sa netizens ang laman ng kanyang ref, hindi napigilan ng mga ito ang magulat dahil punong-puno ito ng foods at drinks.

Kasalukuyang nasa condo niya ngayon, ikinuwento ni Kim ang kaibahan ng ref nila sa bahay at ng ref niya sa condo.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

“Unlike sa ref namin sa bahay, kasi ‘yun, pampamilya talaga iyon. So eto, parang… hindi ko naman ‘to inuubos pero gusto ko lang may laman iyong ref ‘pag nandito nga ako,” kuwento ni Kim.

Unang ipinakita ng aktres ang mga pagkain niya na nakalagay sa shelves na naka-attach sa pinto ng kanyang ref–yoghurts na berry flavor, iba’t ibang klase ng cheese, butter, mga milk na nakapaloob sa karton, maaanghang na sauce, cereal, at fruit snacks.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Puno rin ng “sparkling water” na may iba’t-ibang flavors ang unang compartment ni Kim habang sa ikalawang palapag naman ay desserts na kadalasan niyang kinakain matapos ang heavy na meal. Of course, present din sa loob ng ref ng aktres ang softdrinks na ini-endorse niya, water na nasa loob ng bottles, at fruits katulad na lamang ng plums, grapes, pomelo, avocados, lemons, mushrooms, mga sili, at ang kanyang paboritong berries.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

May supply din si Kim ng “cold cuts” katulad na lamang ng salami, iba’t-ibang klase ng ham, prosciutto, at tortilla. Ipinakita rin ng “It’s Showtime” host ang kanyang chocolates at ang ipinagmamalaki niyang pambatang treats na isang bote ng lollipop at isang tupperware na puno ng sour tapes. Hindi rin mawawala ang mga mamahaling wine ni Kim.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Sa freezer naman ay ang glasses na kadalasang ginagamit ng aktres kapag umiinom ng wine. Meron din siyang siomai at siopao, bacon, sandamakmak na patties, at ang paborito niyang ice cream.

Hindi lamang dahil sa dami ng laman ng ref ni Kim namangha ang kanyang fans dahil umagaw din sa kanilang atensyon ang pagiging organized ng aktres. Talagang maayos ang pagkaka-arrange niya sa mga pagkain at drinks sa loob ng kanyang ref!

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Kulang na lang sabihin ng netizens sa kanilang mga komento na pwede ba silang makitira sa bahay ni Kim dahil sa puno nitong ref.