Kim Chiu, may pasilip sa bongga at napakagandang blessing na kanyang natanggap bago matapos ang 2021!

Sinubok man ng maraming hamon sa buhay noong nakaraang taon, lalong-lalo na sa kanyang karera bilang isang aktres, marami pa ring bagay na ipinagpapasalamat ang Kapamilya actress na si Kim Chiu. Isa na nga rito ang bagong biyayang natanggap niya mula sa Panginoon bago matapos ang taong 2021.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Noong nakaraang December 31, isang special vlog ang inilabas ni Kim sa kanyang YouTube channel para sa milyun-milyon niyang subscribers.

Sa naturang vlog, nagpakatotoo at naging emosyonal si Kim habang ibinabahagi niya ang ilan sa mga highlight ng kanyang buhay noong 2021. Gayundin ang mga hamon na kanyang hinarap at ang mga aral na nakuha niya mula sa lahat ng kanyang mga karanasan noong nakaraang taon.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Hindi rin nakalimutan ni Kim na pasalamatan ang kanyang mga tagahanga na hindi siya iniwan, bagkus ay patuloy siyang sinuportahan sa kabuuan ng kanyang showbiz career.

Sa pagtatapos naman ng kanyang vlog na siyang huling vlog entry niya sa taong 2021, isang pasilip ang ibinigay ni Kim sa bagong property na naipatayo niya.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

Kahit na ipinakita lang ni Kim ang kanyang bagong property nang hindi nagbibigay ng napakaraming detalye tungkol dito, base sa kanyang vlog ay makikita ang isang magandang bahay na may malaking pool sa tabi nito. Mapapansin din sa vlog na ang bagong bahay ni Kim ay nakatayo sa isang mataas, malamig at mayroong overlooking view na lugar.

Kwento ni Kim, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng nasabing property. At “[It] took a lot of time, hard work, and patience” umano para matupad niya ang kanyang pangarap.

Credit: Kim Chiu PH YouTube

“Ending my year with an answered prayer. Every day, Life surprises us, we just have to keep going and never stop dreaming. Ending my year with this beautiful blessing. Took a lot of time, hard work, and patience,” pahayag ni Kim sa kanyang Instagram post.

Sa huli, labis-labis ang pasasalamat ni Kim dahil sa mga biyayang natanggap niya bago pumasok ang taong 2022.

Aniya, “I will be #ForeverGrateful #ForeverThankful #Gratitude. 2021 is indeed a rollercoaster ride of emotions yet ending it with a great present.”