Kim Chiu, speechless nang makita ang laman ng refrigerator ni Dra. Vicki Belo

Dream come true para sa aktres na si Kim Chiu ang ma-raid ang malaking refrigerator ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na punumpuno ng iba’t ibang uri ng imported chocolates.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Sa kanyang latest vlog, sinama ni Kim ang kanyang milyun-milyong subscribers sa pag-raid niya sa ref ni Dra. Vicki.

Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi pa man nag-aartista si Kim ay pangarap na niyang makita ang ref ng doktora dahil namamangha umano siya sa dami ng chocolates na makikita rito. Ngayon nga siya ay isa nang artista, tuwang-tuwa si Kim na matupad ang pangarap niyang ito.

“Hindi pa ako artista pangarap ko na talagang makita ang ref ng isang Dra. Vicki Belo…So now as Kim Chiu na ako di ba, nakarating na ako dito sa bahay ni Dra. Belo,” puno ng excitement na pag-amin ni Kim sa kanyang vlog.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Ayon naman kay Dra. Vicki, sa paglipas ng panahon ay walang nagbago sa laman ng kanyang ref at puno pa rin ito ng paborito niyang chocolates.

Nang tumambad nga kay Kim ang napakaraming chocolates ni Dra. Vicki ay napa-‘wow’ na lamang siya. Larawan sa mukha ng “It’s Showtime” host ang pagkamangha habang tinitingnan ang kahon-kahong imported chocolates ng celebrity doctor. Ilan sa mga ito ay hindi pa nabubuksan.

Saad pa ni Kim, “Hala, imported hindi mga flat tops lang!”

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Ipinakita naman ng doktora ang paborito niyang chocolate na mula pa sa bansang Paris.

“Ito ‘yung favorite ko, galing Paris ‘yan. Kasi ang ginawa ko Kim, para hindi ako masyadong tumaba since mahilig ako sa chocolates pinapamahal ko nang pinapamahal ang chocolate,” bahagi ni Dra. Vicki.

Speechless naman si Kim nang malaman niya ang presyo ng paboritong chocolate ni Dra. Vicki na umaabot ng 6 Euros o P360 ang isang piraso.

“So hahatiin ko sa apat, kasi di ba kapag mga cheaper chocolates parang isang (kainan lang) so ako savor na savor,” paliwanag ni Dra. Vicki.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Bukod sa European chocolates, marami ka ring makikitang American-made chocolates sa ref ni Dra. Vicki.

Sinabi naman ng doktora na labis na nagpapasaya sa kanya ang pagbili ng chocolates.

Giit nito, “It’s something that makes me so happy and it’s not mahal kesa bumili pa ako ng maraming bag.”

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Pagkatapos naman ng kanyang ref raid, pabirong sinabi ni Kim na gusto na lamang niyang tumira sa bahay ni Dra. Vicki.

Aniya, “Puwede ba akong makitira dito? Kasi hindi talaga ako papayat dito.”

Samantala, sa huling bahagi ng vlog ay halos maiyak si Kim nang bigyan siya ng isang bonggang Christmas gift ni Dra. Vicki na isang napakagandang Louis Vuitton bag.