Kim Jones, binati ang kanyang pinakamamahal na husband na si Jericho Rosales sa kanyang kaarawan

Binati ng model at fashion influencer na si Kim Jones ang asawa nitong si Jericho Rosales para sa kanyang ika-43 kaarawan. Sa instagram post ni Kim, makikita dito ang mga litrato ng aktor habang ine-enjoy nito ang dagat sa La Union. Kalakip din nito ang matamis at simpleng message para sa asawa.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

“Birthday boy in his natural habitat. This year is yours!!” pagbati nito.

Sinagot naman agad ito ng kanyang asawa. “I loooove! Back at you, 👑!🧡”” kumento nito.

Kamakailan din ay nag-viral ang di umano hiwalayan ni Jericho Rosales at Kim Jones. Naging mailap naman si Jericho ng tanungin ito ng mga gustong mag-interview sa kanya pa-tungkol sa isyu. Pero sinigurado ng aktor na maayos ang relasyon nilang dalawa.

Sa kanyang panayam sa Philippine star sa ika-4 na anibersaryo ng Jenna Essence kung saan celebrity guest ang aktor, tinanong ito kung kamusta na sila ng kanyang asawang si Kim.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

“Good! Great! I think she’s going to Paris for Fashion Week” sagot nito.

Ang celebrity couple ay kababalik lang ng bansa matapos ang anim na buwan na pananatili nila sa New York.

Sa pagbabalik ni Jericho sa bansa, inanunsyo nito na magkakaroon muli ito ng mga proyekto katulad ng concert tour sa US at Canada kasama ang aktor na si Piolo Pascual.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

“Abangan nila ang tour sched namin sa social media accounts namin. This November na yun,” banggit nito matapos mag-perform sa ika-4 na anibersaryo ng Jenna Essence event.

Meron din itong movie project na kaaabangan talaga ng kanyang mga tagasuporta.

“Yes, may pelikula pero hindi ko pa pwede i-reveal or bigyan ng detalye. But here is a movie project,” sabi nito.

Ayon din sa aktor, maraming nago-offer sa kanya na lumipat sa ibang network ngunit ito ay masaya at mas gugustuhin na lang na mag-focus kung nasaan siya ngayon.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

“Greatly appreciated but I’d rather focus where I’m from,” aniya.

Nalalapit naman ang isang international drama project ni Jericho na “SellBlock”, ito ay ipo-produce ng BlackOps Studios Asia kasama ang ABS-CBN.