Kimpoy Feliciano, pina-w0w ang netizens sa kanyang bagong biling bahay na nagkakahalaga ng P18M!

Kinikilig na ipinasilip ng sikat na vlogger na si Kimpoy Feliciano ang kanyang bagong tahanan na isang “ultramodern” house sa kanyang YouTube channel.

Credit: Kimpoy Feliciano YouTube

Ayon pa kay Kimpoy, isa sa mga pinakanire-request ng milyun-milyong niyang subscribers ay isang house tour vlog.

Kaagad ngang pinaunlakan ni Kimpoy ang request ng kanyang mga tagahanga kahit pa hindi pa siya opisyal na nakalipat sa bahay.

Sa kanyang “unofficial” house tour, inilibot ni Kimpoy ang mga netizen sa kanyang bagong bahay na ayon sa real-estate YouTube channel na Presello ay nagkakahalaga ng P18M!

Credit: Kimpoy Feliciano YouTube

Fully-furnished na ang bahay ni Kimpoy na matatagpuan sa San Mateo, Rizal. Super safe at secure rin ng bahay dahil bukod sa napapalibutan ito ng 8 CCTV ay mayroon din itong electric fence.

Una munang ipinakita ni Kimpoy sa vlog ang makikita sa labas ng bahay tulad ng garden at lanai area.
Kwento ni Kimpoy, mapapakinabangan niya ang garden lalo na kapag siya ay kumukuha ng larawan para sa kanyang mga social media post o kapag may kailangan siyang itampok na produkto.

Credit: Kimpoy Feliciano YouTube

Swak naman sa two-carport garage ni Kimpoy ang kanyang brand new Ford Everest at motorsiklo.

Espesyal din para kay Kimpoy ang lanai area dahil nakikita niya ito bilang isang lugar kung saan pwede silang magbonding ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Samantala, bago pumasok sa loob ng bahay ay ipinagmalaki muna ni Kimpoy na gawa sa purong Narra ang main door ng bahay at mayroong itong smartlocked system.

Pagpasok sa bahay, kapansin-pansin kaagad ang floor-to-ceiling glass windows ng sala. Ikwenento ni Kimpoy na ang mataas na kisame at pure glass windows ay isa sa mga nagtulak sa kanya para bilhin ang bahay.

Ani Kimpoy, “Ang pangarap ko kasi sa isang bahay is for the living room to be high ceiling, tapos ‘yung windows niya mirror talaga.”

Credit: Presello YouTube

Pwede namang mag-relax ang mga bisita sa cozy couch ng sala habang nanunuod ng palabas sa isang 65-inch flat screen TV.

Habang ipinapakita ang dining area, ibinahagi ni Kimpoy na nang una niyang makita ang 8-seater dining table ay naisip niya kaagad ang kanyang pamilya na masayang kumakain doon.

Isa din sa mga ikinakasaya ni Kimpoy sa bahay ay ang marami nitong storage spaces at ang kanyang pangarap na two-door fridge na kasama noong binili niya ang bahay.

Credit: Presello YouTube

Aniya, “Ang gusto ko rin sa bahay yung maraming mga lalagyanan kasi para hindi makalat. Gusto ko yung maraming cabinets and drawers.”

Bukod sa main kitchen, mayroon ding magandang daily kitchen ang bahay.

Credit: Presello YouTube

Sa pangalawang palapag naman ng bahay ay makikita ang tatlong fully-airconditioned bedrooms na mayroong kanya-kanyang bathroom.

Huling ipinasilip ni Kimpoy ang master’s bedroom na magsisilbi kwarto niya kung saan ay mayroong walk-in closet at malawak na bathroom.