Kinaaliwan ng netizens ang pajama themed party na inihanda ni Mariel Rodriguez para ipagdiwang ang pagtungtong ng kanilang ikalawang anak ni Robin Padilla na si Gabriela ng ika-11 buwang gulang.

Sa kanyang Instagram account nitong October 16, ay ibinahagi ni Mariel ang ilang larawan kuha mula sa kanilang selebrasyon sa ika-11 buwang gulang ni Gabriela.

Makikita sa larawan na cute na cute ang buong pamilya ni Mariel suot ang kanilang makukulay na Care Bear pajama onesie.
Pati si Robin ay nakasuot din ng isang kulay asul na Care Bear pajama onesie. Napaka-supportive ng aktor kay Mariel dahil hindi nito alintana na magsuot ng pajama onesie para mapasaya ang kanyang mag-ina.

Napakagandang tingnan din ng kanilang dining area dahil napuno ito ng napakaraming makukulay na balloon. Sa kanilang dining table ay makikita naman ang iba’t ibang kulay ng Care Bear stuff toy.

Hindi pa man unang kaarawan ni Gabriela, kapansin-pansin mula sa mga larawan na talagang pinaghandaang maigi ni Mariel ang party.
Sa caption ng kanyang Instagram post, ay ibinahagi ni Mariel na marunong na umano ang kanyang anak na si Gabriela na magdikta sa mga gusto nitong gawin.

Ani Mariel, “Happy 11 months my Gabzy Bear!!!! My baby who can already dictate what she wants, where she wants to go and what music she wants to listen to.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Mariel kay Robin dahil game na game itong mag-participate sa kanilang Care Bear themed party.

Saad ni Mariel, “Big big thanks @robinhoodpadilla for being so game to participate in our Care Bear themed party!!!!”
Bumuhos naman ang iba’t ibang reaksyon ng netizens sa napaka-cute at makulay na pajama themed party ng Padilla family. Komento ng netizens:

“Ang ganda bongga….My fave care bears 🙂 Happy 11 months baby girl…”
“Super cute! Happy 11th Gabzy”
“Superrrr cute!!!!! Omg! Robin Padilla…true love.”
“Wow ganda ms. Mariel Bonggang2…Sene ell.”

Samantala, sa isa pang larawan na inupload ni Mariel sa Instagram nitong October 18, ay inamin nitong isa ang pajama themed party sa pinakamasayang monthly celebration na ginawa nila para kay Gabriela.
Aniya, “Still on a Care Bears Hang0ver!!!! One of my most favorite monthly birthday celebrations of @gabrieladepadilla”

Dagdag ni Mariel, “Next month it will already be her first birthday 🎂 time flies sooooo fast grabe!!! What they say is true… the nights are long but the years are short!!! 💕”
Taong 2010 nang ikasal sina Mariel at Robin. Kapwa sa Amerika naman ipinanganak ni Mariel ang kanilang dalawang anak ni Robin.
Isinilang ni Mariel ang kanilang unang anak na si Maria Isabella taong 2016. November 16 noong nakaraang taon naman ay winelcome ng mag-asawa ang kanilang ikalawang anak na si Maria Gabriela.