Kiray Celis, nag-ipon para mabilhan ng bonggang regalo ang kanyang kapatid na construction worker

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Kiray Celis, nananatili pa ring malaki ang kanyang pagpapahalaga sa pamilya.

Credit: @kiraycelis Instagram

Unang nakilala si Kiray sa Goin’ Bulilit at simula nang nadiskubre ang kanyang potensyal sa pagpapatawa at kahusayan sa pag-arte, tuloy-tuloy na ang natatanggap niyang proyekto katulad na lamang ng “Mara Clara,” “Luv U,” Love is Blind” at marami pang iba.

Bagama’t isa naman ngayong celebrity na tinitingala ng kanyang fans, nananatili pa rin ang kabutihang puso ni Kiray. Sa kabila ng matagumpay niyang career bilang isang aktres, isa ring mapagmahal na anak at mabuting kapatid si Kiray.

Linggo, October 3 nang nagbahagi si Kiray ng vlog sa Youtube kung saan ay mapapanood kung paano niya sinurpresa at pinasaya ang kanyang nakakatandang kapatid na isang construction worker.

Credit: @kiraycelis Instagram

“Ngayon, isu-surprise ko ‘yung kapatid ko ng pangarap niyang motor. Ilang taon na niya akong kinukulit dito. Ang tagal na niyang sinasabi sa’kin ‘to kaso nag-iipon pa ako para mabilhan ko siya ng motor. And this time, nagawa ko na ang pag-iipon kaya bibilhin ko siya ngayon tapos pupunta tayo kung saan nagtatrabaho ‘yung Kuya ko para makita niyo at ma-explain ko sa inyo mamaya kung gaano ka-deserve ng kapatid ko na mabilhan siya ng ganitong klase ng motor,” pahayag ni Kiray.

Nang pinuntahan ang pinagtatrabahuan ng kapatid sa may Recto, makikita sa expression ng kapatid ni Kiray kung gaano ito kasaya nang nalamang isang motor pala ang regalo ni Kiray para sa kanya.

Hindi mapigilan ang tuwang nararamdaman, niyakap ng kapatid ni Kiray ang motor dahilan kung bakit natawa ang aktres.

Credit: @kiraycelis Instagram

“Sobrang ganda. Grabe! Hindi ko in-expect ‘to na bibilhan ako ng kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Kiray.

Sa kabila ng katotohanang isang matagumpay na aktres si Kiray, masipag pa rin na nagtatrabaho ang kanyang kapatid bilang isang construction worker na siyang madalas na ipinagtataka ng mga nakakaalam.

“FYI si Kuya ay may dalawa ng anak, babae na nakatira sa amin, siyempre. Nakatira pa rin sila sa’min and siyempre, hindi naman dahil porket artista ako, eh iaasa na niya lahat sa akin,” ayon kay Kiray.

Credit: @kiraycelis Instagram

Pag-amin pa ng kapatid ni Kiray, hindi naman niya ikinakahiya ang napiling trabaho kahit na’y isang aktres si Kiray dahil marangal naman ang pagiging isang construction worker.

Ngayon na natanggap na ang matagal nang pinapangarap, hiling ni Kiray na mas magpursige pa ang kanyang Kuya sa pagtatrabaho.

“So, sana makatulong ‘to sa trabaho mo, Kuya. Magpursige ka pa sa trabaho mo at maging masipag ka pa lalo,” sabi ni Kiray sa kapatid.