Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa kanyang naging makeover noon kay Fanny Serrano

Ipinasilip ng comedian-actress na si Kiray Celis ang ilang litrato niya kuha mula sa ginawang pictorial niya noon kung saan ay nagsilbing make-up artist at stylist niya ang batikang make-up artist na si Fanny Serrano o Felix Mariano Fausto sa tunay na buhay.

Credit: @kiraycelis Instagram

Iba’t iba ang makikitang layout sa bawat litrato na ipinakita ni Kiray. Sa bawat layout naman ay pak na pak ang kanyang hairstyle at suot na damit. Naka-full make up din siya at todo-emote sa mga litrato.

Sa caption ng kanyang post ay hindi naman maiwasan ni Kiray na maging emosyonal habang inaalala ang mga panahon kung kailan nila ginawa ni Tita Fanny ang nasabing pictorial.

Credit: @kiraycelis Instagram

Kwento pa ni Kiray, ginawa nila ang pictorial ilang araw matapos siyang ma-b@sh dahil sa kanyang suot na make-up at gown nang umattend siya ng Star Magic Ball. Tumawag umano si Tita Fanny sa kanya at sinabing gusto siya nitong i-make over.

“Naalala ko, nung time na nabash ako sa make up at gown ko sa isang star magic ball namin.. after ilang days may tumawag sakin,” pagbabalik-tanaw ni Kiray.

Credit: @kiraycelis Instagram

Walang pagdadalawang-isip nga raw siyang pumayag sa alok ni Tita Fanny.

Ayon naman kay Kiray, hindi niya sukat akalain na hindi lamang simpleng gupit ang gagawin ni Tita Fanny sa kanya dahil maliban sa hairstyle ay minake-upan din umano siya nito ng bonggang-bongga.

Bukod dito, tumatak din umano sa kanya ang sinabi ng batikang showbiz make-up artist matapos niyang sabihin dito na gusto niyang ipa-edit ang mga kuhang litrato ng kanilang naging pictorial.

Credit: @kiraycelis Instagram

“Akala ko gugupitan lang ako.. yun pala gagawan niya ako ng pasabog na pictorial! Na pak na pak at glam na glam!!! Iba ka talaga tf! Nagiisa ka!” ani Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

“Naalala ko sabi ko pa sakanya nito, tf.. edit mo naman yung mga chismis sa mukha ko saka patangusin mo ilong ko. Para plakado ako sa picture. Sagot niya sakin na di ko makakalimutan, “IHA, para saan pang ginalingan ko sa pagmamake up sayo kung ipapa edit mo rin?” Panisss! HAHAHAHA” dagdag niya.

Sa huling bahagi naman ng caption ng kanyang post ay buong pusong ipinagmalaki ni Kiray na inayusan siya ng nag-iisang Tita Fanny Serrano.

Credit: @kiraycelis Instagram

Samantala, puro papuri naman ang natanggap ni Kiray mula sa netizens dahil sa kanyang mga magagandang litrato. Komento pa ng netizens:

“grabe ganda mo miss kiray”

“ganda niyo po dito Ms. Kiray”

Credit: @kiraycelis Instagram

“pak taray ganda gurl”

“napakaganda mo ms. kiray”