Kiray Celis, pinalitan ng mas magandang motor ang nauna niyang iniregalong motor sa kanyang kuya

Isa na nga sa mga taong nagpapatunay na ang pasko ay panahon ng pagbibigayan ay si Kiray Celis, isa sa mga sikat at mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Credit: @kiraycelis Instagram

Bata man o matanda, talagang kilala ng karamihan si Kiray. Maliban sa kanyang nakakabilib na kahusayan sa pag-arte, effortless din niyang napapatawa ang fans.

Labis naman ang kasikatang tinatamasa ngayon bilang isang aktres, hindi naman ipinagkakait ni Kiray ang natatanggap niyang blessings dahil patuloy naman siya sa pagbabahagi ng mga ito sa bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Matapos surpresahin ang kanyang Mommy ng isang lechon na may lamang 56, 000 bilang selebrasyon sa ika-56 nitong kaarawan at bigyan ng bouquet na imbes mga bulaklak ang nakalagay ay pera ang ginawang bulaklak sa mga magulang noong Valentine’s Day, oras na rin para sa kanyang nakatatandang kapatid na ma-experience ang pakiramdam na makatanggap ng isang regalo galing kay Kiray.

Credit: @kiraycelis Instagram

Isang construction worker ang Kuya ni Kiray at proud itong ibinunyag ng aktres sa publiko. Hanga sa sipag at tiyaga ng nakatatandang kapatid upang matustusan ang pamilya, talagang tinupad ng aktres ang matagal nang pangarap ng kanyang Kuya na magkaroon ng motor.

Tunay nga sa kanyang salita, binisita ni Kiray ang kanyang Kuya sa construction site at sinurpresa ito ng isang Honda Click ngunit ayon sa aktres, nais niyang bilhan ng mas magandang motor ang kapatid kapag nakapag-ipon umano siya ulit.

Credit: @kiraycelis Instagram

Makalipas ang tatlong buwan, muli na namang binilhan ni Kiray ang kanyang Kuya ng bagong motor nito lamang buwan ng December bilang “Christmas gift” niya.

“Merry merry christmas sa kuya kong pogi. sarap talaga ng pasko mo. Ako, EGUL! HAHAHAHAHAHA! 😂❤️” sulat ng aktres sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan nila ng kanyang Kuya kasama ang binili nilang motor.

Credit: @kiraycelis Instagram

Bibihira lamang ang mga artistang nananatiling responsable sa kanilang pamilya sa kabila ng kasikatang tinatamasa kaya naman talagang maituturing na gold at rare si Kiray