Ang ating mga magulang ay ang unang tao na nagpakita at nagparamdam sa atin ng pagmamahal. Inalagaan tayo ng ating ina at ama mula nang nasa sinapupunan pa lamang tayo hanggang tayo ay tumanda at natutong tumayo sa ating sariling mga paa.
Credit: @kiraycelis Instagram
Kaya naman nararapat lamang na kahit sa ating munting paraan ay maipadama natin sa kanila ang pagmamahal na una nilang ipinaramdam sa atin. Kaya naman ngayong buwan ng pag-ibig, isang sorpresa ang inihanda ng dating Goin’ Bulilit member na si Kiray Celis para sa kanyang mga magulang.
Credit: @kiraycelis Instagram
Nitong February 12, niregaluhan ni Kiray ng tig-iisang napakalaking money bouquet ang kanyang Mama at Papa.
Sa kanyang Instagram post, ipinost ni Kiray ang litrato ng kanyang mga magulang hawak ang iniregalo niyang money bouquet.
Credit: @kiraycelis Instagram
Nakakataba naman ng puso ang masayang-masayang reaksyon na makikita sa mukha ng mga magulang ni Kiray.
Sa caption ng kanyang Instagram post, isinulat ni Kiray ang isang sweet at nakakantig na mensahe para sa kanyang mga magulang.
Credit: @kiraycelis Instagram
Sinabi ni Kiray na hindi man siya isang perpektong anak ngunit nangako siyang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang.
Ani Kiray, “Happy happy valentines day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo.”
Si Kiray na nagsimula nang maaga sa industriya ng showbiz, ay nagpasalamat din sa kanyang mga magulang sa pagmamahal at suporta na ibinigay ng mga ito sa kanya.
Credit: @kiraycelis Instagram
Aniya, “Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko. HAHAHAHAHAHAHAHA! Maraming salamat @thinkingoutloveflower sa pag gawa ng MONEY BOUQUET nila mama!”
Samantala, maraming papuri naman ang natanggap ni Kiray mula sa mga netizen na na-touch dahil sa kanyang pagiging mabuti at mapagbigay na anak sa kanyang mga magulang. Komento nila:
“Napakabuting anak!👏you will be blessed more!❤️”
Credit: @kiraycelis Instagram
“Wow your so generous po to your parents. I really admire you for loving them😍”
“Ang bongga sweet daughter talaga❤️”
“Ang swerte naman nila sayo”