Kisses Delavin, agaw-pansin ang defined na abs na pinaguusapan ngayon ng netizens!

Sa pagsali ni Kisses Delavin sa “Miss Universe Philippines 2021” ay nasaksihan ng netizens ang developments at improvements niya. Dahil dito, mas lalo pa siyang tinutukan ng karamihan.

Credit: @kissesdelavin Instagram

Isa si Kisses Delavin sa mga dalagang talagang sinusubaybayan ng “pageant fans”. Maliban sa kanyang kasikatan bilang isang aktres ay hindi naman maitatanggi ang patuloy na pagpapatunay ni Kisses na isa siyang natural na “queen”.

Martes, September 14 nang ibinahagi ng kompanyang RedFOXLabs ang maiikling videos kung saan ay featured ang “Miss Universe Philippines 2021” candidates sa pagpo-promote ng nasabing kompanya bilang sponsor sa national na pageant.

Sa promotional na video ni Kisses, ginulantang niya ang netizens sa kanyang fit na katawan at “k!ller abs”.

Credit: @kissesdelavin Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang labis na pag-eehersisyo ni Kisses upang mas maging fit pa ang katawan bago mangyari ang inaabangang coronation night. Sa ilang buwan niyang dedication ay nagbunga na rin sa wakas ang kanyang paghihirap at na-achieve na nga ang goal na “body transformation”.

Halos hindi naman maka-get over ang netizens sa magandang hubog ng katawan ni Kisses at ngayon ay umani na ng mahigit 1.4K likes at 163K views ang “RedFOXLabs promotion video” ni Kisses.

Sa comment section ay pinagkaguluhan ng fans ni Kisses ang kanyang abs bilang isa sa mga “remarkable” na progreso niya sa “Miss Universe Philippines 2021”.

“Kirsten ‘yung abs mo nananampal! 😍”

“Ay grabee nakakaloka ang abss ni kisses ❤️😍sana all s3xy beautiful with a heart❤️😘”

“Kaya pala,ito pala yung pasab0g na tinatago niya recently😮😮😮 that abs nailabas din😍😍😍”

Credit: @redfoxlabs.io Facebook

“Yung abs talaga😍😍😍”

Maaalala rin noong nakaraang buwan nang nagbahagi ng rebelasyon sa Facebook ang mentor ng Aces and Queens na si Gerry Diaz ang matagumpay na pagbawas ng timbang ni Kisses.

“KISSES DELAVIN proudly shared she has lost nearly 9 pounds (4.1 kilos) over 3 weeks,” anunsyo ni Gerry Diaz.

Credit: @redfoxlabs.io Facebook

Sa improvement ni Kisses sa kalagitnaan ng kanyang “pageant journey,” ay nasaksihan naman ng netizens at ng kanyang fans kung paano siya nag-improve at anu-ano ang mga paraan niya upang mas mapabuti pa ang sarili.

Kasalukuyan, nananatili pa ring nasa “top of the game” si Kisses at determinadong makuha ang korona.