Nagdiriwang ngayon ang mga supporter at tagahanga ng dating PBB housemate na si Kisses Delavin. Ito ay matapos makapasok sa Top 75 ang 22 years old na pambato ng probinsya ng Masbate sa Miss Universe Philippines 2021 pageant.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Nito lamang August 8, opisyal na inilabas ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang social media pages ang listahan ng mga kandidatang pasok sa Top 75. Sa kanilang post, ini-reveal ng organization ang h0t and s3xy na litrato ng mga kandidata suot ang kanilang swimsuit.
Kabilang dito ang swimsuit photo ni Kisses suot ang isang one-piece tan swimsuit na pinaresan niya ng isang silver high heels. Highlight din sa litrato ni Kisses ang kanyang glowy glass skin makeup.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Bukod naman kay Kisses, pasok din sa Top 75 ang ilan pang popular bets ng mga pageant enthusiast na sina Asia’s Next Top Model Season 5 winner Maureen Wroblewitz, TikTok star Rousanne Bernos, Miss Supranational 2018 1st runner up Katrina Jayne Dimaranan at Miss Cebu 2018 Steffi Aberasturi.
Nilinaw naman ng organization na ang mga kandidata na nakapasok sa Top 75 ng kumpetisyon ay pinili hindi lamang batay sa fan votes na kanilang nakuha.
Credit: @kissesdelavin Instagram
“Universe, meet our official Top 75 delegates! The Top 75 selection criteria included votes from the Headsh0t, Intro Video Challenges and the MUPH Organization. It is not based solely on the fan votes,” pahayag ng organization.
Samantala, bukod sa nakapasok siya sa Top 75, ipinagdiwang din ni Kisses noong August 8 ang kanyang ika-5 taong anibersaryo sa showbiz industry.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Isang sweet at touching message ang ibinahagi ni Kisses para sa kanyang mga tagahanga para pasalamatan ang mga ito.
View this post on Instagram
“Dearest #Kissables, Happiest 5th Anniversary to us. In a blink of an eye, I grew up and have grown together with you. Thank you for giving me one of the most beautiful things in life- love. What a privilege it is to be your ‘Kisses’ and to get to call you my ‘Kissables.’ Mula noon, hanggang ngayon, mahal na mahal ko po kayong lahat. Thanks for an amazing 5 years. Here’s to 100 more years and conquering the universe together! 🇵🇭🥳💖💕
Credit: @kissesdelavin Instagram
For now, stay safe from Covid-19 but we will meet again soon and you’re in my heart always. 😘
Love, Your Kisses, Kirsten, Kittet, Kween, Queen, Kitkat, Yoy,” ani Kisses.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Matatandaang parehong nanguna si Kisses sa Headshot at Video Introduction challenge ng Miss Universe Philippines 2021.