Komedyanteng Fil-Am na si Jo Koy, bibida sa isang pelikula na ipapalabas sa buong mundo!

Isa na namang Pinoy ang nabigyan ng pagkakataon na ipamalas ang kanyang husay at talento sa pag-arte at pagpapatawa sa internasyonal na industriya ng showbiz. Kung sino ito, kilalanin!

Credit: @jokoy Instagram

Tunay nga na may mga araw at pagkakataon kung saan ay umuuwi tayong pagod at stress kaya malaki talaga ang ambag at tulong na naibibigay ng entertainment. Kahit na’y marami ang mahilig manood ng TV upang manood ng drama o nakakatawang series, mayroon din naman na mas gustong magpunta sa studio at mag-enjoy sa show lalo na kapag ang komedyanteng si Joseph Glenn Herbert o mas kilala sa kanyang screenname na “Jo Koy” ang bida o host.

Marahil ay marami na tayong kilalang komedyante sa lokal na industriya ng showbiz pero may mga mahuhusay at versatile rin namang comedians sa labas ng telebisyon katulad na lamang ng Fil-Am comedian na si Jo Koy na hindi kailanman nabigo sa pagbibigay ng katatawanan tungkol sa jokes niya sa mga relatable na attitude ng mga ina at kaugalian ng mga Pinoy.

Masasabi na base ito sa experience o ‘di kaya’y sa observation ni Jo Koy sa ugali ng kanyang Pinoy Mommy. Tunay nga naman kasi na may unique na pamamaraan ang mga Pinoy pagdating sa mga bagay-bagay. Dahil sa kanyang effective na pagpapatawa sa bawat kuwentong Pinoy, sinisigurado niyang nakaka-relate ang kanyang audience kaya isa siya ngayon sa mga sikat at matagumpay na stand-up comedian.

Credit: @jokoy Instagram

Sa successful na shows ni Jo Koy, naagaw niya ang atensyon ng isang American film director na si Steven Spielberg na ngayon ay siyang producer sa pagbibidahan niyang pelikula na “Seven Sundays” na ipapalabas internationally.

Simula nang ipinalabas ang trailer ng “Seven Sundays,” lagpas 15 million na ang views nito sa Youtube dahilan kung bakit abot-langit ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Jo Koy.

Credit: @jokoy Instagram

Sa isang interview kasama ang TV Patrol, ibinahagi ni Jo Koy kung gaano siya ka-shookt sa natanggap na magandang balita.

“I was praying to God that we will get at least 5 million views. We have 15 million! I was like, ‘What?!’ So yeah, I’m so excited. The reception is just beautiful and finally, we get a big studio movie,” pahayag ni Jo Koy.

Credit: @jokoy Instagram

Kung noon sa studios o arenas lamang napapatawa ang kanyang audience sa baon niyang relatable na mga Pinoy kuwento, ngayon ay nag-level up na si Jo Koy dahil sa pagbibidahan niyang pelikula, mas marami pa siyang maaabot na audience.