Komedyanteng si Allan K., nagbigay pasilip sa kanyang napakagandang tahanan na mayroong sariling ‘coffee shop’

Madalas tayong mamangha sa mga naggagandahan, hanep sa laki at rangyang bahay ng ilan sa mga hinahangaan nating personalidad sa TV.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Nai-inspire rin tayo sa kanilang kwento ng tagumpay lalo na’t bago pa man nila makamtan ang kanilang pinapangarap na bahay ay marami muna silang pagsubok na pinagdaanan.

Kabilang rito ang comedian-actor at TV host na si Alan Joveness Quilantang o mas kilala ng marami sa kanyang stage name na “Allan K.”

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Isa si Allan K. sa mga maituturing na pinakamatagumpay na komedyante sa TV. Matatandaang unang pumasok si Allan K. sa showbiz noong 1995 bilang host ng noontime show na Eat Bulaga. Lumabas na rin sa ilang pelikula si Allan K. tulad ng “Enteng Kabisote” at “Fantastic Man.”

Samantala, makalipas ang maraming taon sa showbiz ay hindi na nakapagtataka na nakapagpundar ng mga ari-arian si Allan K. Isa nga rito ang kanyang napakagandang bagong bahay na ipinasilip naman niya sa publiko.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Pinaunlakan ni Allan K. ang kanyang mga tagahanga na makita ang kanyang tahanan nang ipinasilip niya ito sa Kapuso show na “Mars Pa More.”

Sinimulan ni Allan K. ang kanyang house tour sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang main door na may glass slits na siyang nagbibigay-daan sa mga tao mula sa labas na makita ang ilang bahagi ng kanyang tahanan.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Pagpasok sa bahay, bubungad kaagad sa mga bisita ang isang makulay na letrato ng isang clown. Matatandaang isa sa mga pagkakakilanlan ni Allan K. ay payaso dahil na rin sa talento niya sa pagpapatawa.

Sa living room ng kanyang bahay ay nagpalagay naman si Allan K. ng isang nakakarelax na wall piece. Ayon kay Allan K., nabili niya ang wall piece online.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Ipinasilip din ni Allan K. ang ipinagawa niyang nook para umano sa mga kaibigan niyang mahilig mag-pictorial.

Sunod na ipinasilip ni Allan K. ang cozy dining area ng kanyang bahay na pinaghalong rustic at moderno ang desenyo. Makikitang nagbibigay ng cozy at relaxing feeling sa buong area ang ipinakabit ni Allan K. na 30 light bulb at ilang ipina-install niyang round wall mirror.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Isa naman sa marahil paboritong tambayan ni Allan K. sa kanyang bahay ay ang kanyang ipinagawang coffee shop sa tabi lamang ng dining area.

Credit: Mars Pa More on GMANetwork YouTube

Tulad ng isang coffee shop, mayroon itong cozy ambiance na perfect spot para mag-relax. Bukod sa isang coffee table, nagpagawa rin si Allan K. ng bar para magmukha talaga itong totoong coffee shop.
Sa labas naman ng dining area, matatagpuan ang sakto lamang sa laking swimming pool ni Allan K.

Ibinahagi ni Allan K. na sa bawat bahay na kanyang lilipatan, hindi talaga umano mawawala ang isang swimming pool.

Huling ipinasilip ni Allan K. sa kanyang house tour ang isa sa mga alaga niyang halaman na isang monstera.