Sabi nila, hindi panghabambuhay na trabaho ang pag-aartista. Maraming artista na ang nakapagpatunay nito matapos silang mawalan ng trabaho sa showbiz.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
Isa nga rito ang kilalang komedyanteng si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay na ngayon ay tanging pagsasaka na lamang ang ikinabubuhay.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
Kamakailan, muling nasilayan ng marami si Mura ngunit hindi sa isang pelikula kundi sa kanyang tahanan sa mabundok na bahagi ng Bicol matapos siyang bisitahin ng vlogger na si Virgelyncares.
Maraming netizens ang nalungkot nang mapanood nila ang kalagayan ng komedyante na sa kabila ng kahirapan sa paglalakad ay pumupunta pa rin sa bukid para magsaka. At ‘di tulad ng mga napapanood ng marami noon na isang masiglang Mura, ngayon ay paika-ika na kung maglakad ang komedyante.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
Ikwenento naman ni Mura ang dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho sa showbiz. Ito pala ay dahil naaks!dente siya noon kung saan labis na naapektuhan ang kanyang balakang. Dahil nga hirap nang maglakad, kaya naman hindi na ulit nakapagtrabaho sa showbiz si Mura. Dagdagan pa ng p@ndemya kaya naman halos wala na umano siyang pag-asa na makabalik pa sa showbiz.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
“Wala na akong trabaho. Medyo mahirap kasi gaya sa akin wala ng trabaho. Siyempre, gusto ko rin makabalik sa pag-aartista. Nagkaroon ng p@ndemic, mahirap na ako makabalik doon,” bahagi ni Mura.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
Sinabi naman ni Mura na tinitiis niya ang hirap sa pagsasaka para matulungan ang kanyang amang matanda na rin.
“Mahirap din (ang pagsasaka) kasi ang layo ng bukid namin, eh. Pabalik-balik ka du’n. Pilay pa ako. Wala namang katulong si Papa dito. Kinakaya ko na lang din para makatulong,” aniya.
Hindi naman maiwasan ni Mura na gustuhin na makabalik sa pagtatrabaho bilang isang artista dahil sa hirap ng pagsasaka.
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
“Pinipilit ko na lang rin minsan para makatulong. Kaya minsan gusto ko pa rin magkaroon ako ng (trabaho) sa showbiz para kahit papaano makatulong pa rin.”
Inamin din ni Mura na labis siyang nalungkot nang mawalan siya ng trabaho sa showbiz.
“Oo! Kasi naubos yung ipon ko noon, eh. Tapos nu’ng naaks!dente pa ako nu’ng 2010 doon ako nagsimulang mawalan ng work…” bahagi ni Mura.
Samantala, masayang binalikan ni Mura ang mga panahon kung saan ay gumagawa siya ng pelikula kasama si Vhong Navarro na itinuturing umano niyang kanyang “buddy.”
Credit: Virgelyncares 2.0 YouTube
“Si Vhong Navarro kasi yon ang buddy ko, eh. Lagi kaming magkasama sa pelikula no’n dati. Halos tatlong pelikula ata ang aming pinagsamahan,” bahagi pa ni Mura.
Matapos mag-viral ang video ni Mura, marami naman ang mga taong gustong tumulong sa kanya, isa nga rito si Vhong.
Ayon sa reporter-vlogger na si Ogie Diaz, kasalukuyan na umanong ipinapahanap ni Vhong ang contact number ni Mura para makausap at matulungan niya ito.