Komedyanteng si Ate Gay, taos-pusong nagpapasalamat sa natanggap na tulong mula kay Ogie Diaz, Vice Ganda, at ilan pang kasamahang komedyante

Isa sa mga sikat na komedyante sa Pilipinas si Gil Morales o kilala ng karamihan bilang si Ate Gay. Magaling siya magpatawa kung kaya’t marami ang taong nagigiliwan sa kanya. Ngunit ang hindi inaasahan ni Ate Gay na mangyari sa kanya ay magkaroon ng hindi pangkaraniwang sakit sa balat na nagdulot ng maraming pagbabago sa kanyang buhay.

Credit: @ategay08 Instagram

Abril ngayong taon nang ibinalita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kilalang komedyante na si Ate Gay. Ayon kay Ate Gay, ang sakit na mayroon siya ngayon ay isang rare na karamd@man sa balat na tinatawag na T0xic Ep!dermal Necr0lysis o TEN.

June 25 nang ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ang panayam niya kay Ate Gay. Napag-usapan nila ang hirap na pinagdaanan ni Ate Gay, mga pagbabagong dulot ng nararanasang sakit sa kanyang buhay, at mga taong nanatili at taos-pusong nagpaabot ng kanilang mga tulong.

Credit: @ategay08 Instagram

Simula ng n@gkapandemya ay nilabanan talaga umano ni Ate Gay ang kanyang s@kit para sa mga taong patuloy na nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling.

“Lahat ng sak!t na hindi ordinaryo sa tao, nagkaroon ako.”

Sa kabila ng pinagdadaanan ni Ate Gay ay labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kapatid sa walang sawang pag-aalaga simula ng siya ay ma-0spital. Ayon pa sa komedyante ay dumating pa nga sa punto na ang kuya niya ang nagpapalit ng kanyang diapers.

Credit: @ategay08 Instagram

Sa pagsubok na kinakaharap ni Ate Gay ay nakita niya ang mga taong nanatili sa kanyang tabi at nagpaabot ng tulong. Naramdaman niya umano ang mga kaibigan sa larangang kinabibilangan. Isa na nga rito ay si Ogie Diaz na kusang nagbigay ng pinansyal na tulong at suporta.

Credit: @ategay08 Instagram

“Thank you so much, talagang tinanong mo anong nangyari sa akin, anong sak!t ko. Tapos hindi ka naghintay na hingan. Nagbigay ka kusa dahil alam mo naman na isa ako sa mga wala namang ipon masyado kaya siguro ikaw na kusang nagbigay sa akin,” sabi ni Ate Gay.

Binanggit din ni Ate Gay na nagpadala rin ng tulong si Vice Ganda sa kabila ng katotohanang nagkaroon sila ng away noong taong 2019. Tumulong rin si Paolo Ballesteros at Beks Battalion members.

Credit: @ategay08 Instagram

“Si Paolo Ballesteros, thank you much. Vice Ganda, thank you! Tapos iyong Beks Battalion, thank you. Tapos madami pang iba, mga tagahanga. Salamat,” pasasalamat ni Ate Gay sa mga kaibigan sa showbiz na hindi siya iniwan sa kabila nitong matinding dag0k sa kanyang buhay.