Komedyanteng si Giselle Sanchez, tinanggap na ang hamon na maging isang beauty queen

Inanunsyo ng komedyante at host na si Giselle Sanchez na isa siya sa mga kandidata sa darating na Noble Queen of the Universe pageant.

Credit: @gisellesanchez Instagram   

Si Giselle ang magre-representa sa rehiyon ng Visayas sa nasabing beauty pageant. Kalaban ni Giselle sa pagsungkit ng korona ang 15 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Gaganapin naman ang coronation night ngayong December 20 sa pamamagitan ng Zoom.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Maituturing naman ni Giselle na isang karangalan na mapili bilang kandidata na kakatawan sa rehiyon ng Visayas sa nasabing beauty pageant.

“It is my honor to announce that I was chosen out of hundreds of advocacy-driven family women to represent Noble Queen Visayas,” ani Giselle sa kanyang Instagram post.

Inamin naman ni Giselle na noong una ay nag-aalangan pa siyang tanggapin ang titulong “Noble Queen of Visayas”.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Ngunit nakumbinsi naman daw si Giselle na sumali dahil sa mga magagandang adbokasiya ng Noble Queen Universe organization na nakasentro sa pagtulong sa mga higit na nangangailangang tao.

Ani Giselle, “I was hesitant to accept this position at first but when I saw the advocacies of @noblequeenuniverse and how they SINCERELY helped a lot of people especially during this p@ndemic and typho0n d!sast3rs, I agreed to join this pageant mainly to raise funds to be able to help my fellow Filipinos”

Credit: @gisellesanchez Instagram

Isa rin sa mga nagkumbinsi kay Giselle na sumali sa nasabing beauty pageant ang reigning Noble Queen of the Universe na si TV actress Patricia Javier.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Si Patricia ang nag-uwi sa titulong “Noble Queen of the Universe” noong 2019 at tinalo niya ang 20 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Giselle si Patricia. Aniya, “I would like to thank #noblequeenoftheuniverse2019 @patriciajavier1 for convincing me to take this leap and represent my region to be able to help others.”

Credit: @gisellesanchez Instagram

Sa huli ay sinabi ni Giselle na kaya siya sumali sa nasabing pageant ay para makatulong sa ibang tao. Lumipas man daw kasi ang kanyang kagandahan at magandang katawan, panghabambuhay na maaalala naman daw ng tao ang tulong na kanyang naibigay.

Ani Giselle, “This is the reason why I joined @noblequeenuniverse, to help others. I’m past forty, my beauty and body will fade soon [through] age, but the help [I] give to someone who needs it most will be remembered forever.”