Komedyanteng si Gladys Guevarra, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend sa Amerika!

“Wife na ako”

Ito ang masayang ibinalita ng komedyanteng si Gladys Guevarra sa lahat sa isang Instagram update kung saan ay makikitang ikinasal na sila ng kanyang non-showbiz fiancè na si Mike Navarrete.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Inanunsyo ni Gladys na siya ay opisyal nang kasal nitong Martes, May 12. Sa isang serye ng mga larawang ibinahagi niya sa Instagram, makikitang masayang-masaya si Gladys sa kanyang simpleng wedding dress habang katabi ang kanyang mister na si Mike.

“I am now officially Mrs. Michael Guardian ❤️ Gladys Guevarra Guardian. ❤️💍 My forever @mikaelturbo_g12 . . . I love you so much. 🥂 Cheers to our love, for all eternity and beyond,” ani Gladys sa caption ng kanyang post.

Sa kanyang sunod na post, ipinahayag ni Gladys ang kanyang kasiyahan at excitement dahil tuwing umaga ay may babati na sa kanya.

Ani Gladys, “I love you Mahal ❤️ Everyday, masaya akong gigising sa “Good morning my wife 😘” na bati mo. Ang sarap kase lagi mo kong pinapangiti sa tawag mo sa akin na “Mrs. Guardian” ❤️ This is the start of our life together. Sobra kitang mahal . . . Asawa ko!”

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Matatandaang tatlong araw pa lamang ang nakalipas nang ibinahagi ni Gladys ang engagement nila ni Mike.

Sa kanilang pag-iisang dibdib, napatunayan naman ni Gladys na totoong nangyayari ang mga fairytale.

Aniya, “Fairytales do really happen ❤️🌹😍💍 . . . And then, he asks me if i will marry him . . . “Yes, I will marry you Mahal! I love you Mike!”

April ngayong taon lamang ibinahagi ni Gladys ang relasyon nila ni Mike. Sinabi naman ni Gladys sa kanyang mga nagdaang post na sa pagdating ni Mike ay nagkaroon umano siya ng “guardian.”

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Dagdag pa ni Gladys, kinukumpleto umano nila ni Mike ang isa’t isa. Ayon din kay Gladys, bago niya ibinahagi sa lahat ang kanilang relasyon ay talagang pinag-isipan pa niya ito. Sinabi rin ni Gladys na dahil pribadong tao si Mike kaya naman nirerespeto niya ang privacy nito.

“I have too many to consider at first, bago ako nag decide ilabas sya. Syempre i have to respect his privacy also. Hindi naman sya public na tao. But i told him, i want to share this to all. Kase nga happy ako. Hehe! So, now, we will continue muna to be happy ng tahimik lang,” pahayag ni Gladys sa kanyang Instagram.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Samantala, base sa social media post ni Gladys, makikitang masaya sila ngayong nakatira ni Mike sa Amerika.