Komedyanteng si Jimmy Santos, umani ng maraming positibong komento at suporta mula sa netizens bilang isang vlogger

Marami sa mga beteranong artista ang pansamantalang huminto at nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng p@ndemya sa industriya ng showbiz.

Credit: @jimmysaintsss Instagram

Isa rito ang sikat na basketbolista noong 80s na si Jimmy Santos. Matatandaan na bago pumasok sa showbiz, si Jimmy ay una nang nakilala ng marami bilang isang mahusay na basketball player. Ngunit kalaunan, natuklasan ng marami ang galing sa pag-arte at pagpapatawa ni Jimmy na ipinamalas naman niya sa mga comedy show na “Iskul Bukol” at “T.O.D.A.S.:Television’s Outrageously Delightful All-Star Show.”

Lalo namang sumikat si Jimmy nang maging regular host siya ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga. Dahil nga sa pagho-host ni Jimmy sa Eat Bulaga kaya nakakapagbigay siya ng kasiyahan at katatawanan sa mga manonood araw-araw.

Ngunit nang magsimula ang p@ndemya noong nakaraang taon ay tumigil sa pagho-host si Jimmy.

Credit: @jimmysaintsss Instagram

Hindi maipagkakailang marami ang nalungkot sa pagkawala ni Jimmy sa Eat Bulaga, lalo na’t matagal na siyang bahagi nito.

Ayon sa balita, isa sa mga dahilan kung bakit iniwan ni Jimmy ang programa ay dahil sa kanyang edad. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na 69 years old na si Jimmy at base sa mga safety protocol na ipinapatupad ngayong new normal, hindi muna pinapayagan ang mga senior citizen na magtrabaho.

Credit: @jimmysaintsss Instagram

Ngunit tulad naman ng kasabihan na, “old habits, d!e hard,” ay humanap ng ibang alternatibo si Jimmy para kahit papaano ay makapaghatid pa rin siya ng kasiyahan at katatawanan sa kanyang mga tagahanga. Isa nga sa mga naisip ni Jimmy para makapagbigay pa rin ng saya sa marami ay ang pagba-vlog.

Nitong nakaraang Enero lamang, lumikha si Jimmy ng kanyang sariling YouTube channel na pinamagatang “Jimmy Saints.” Sa kanyang vlogs, ibinabahagi ni Jimmy ang masayang pamumuhay niya sa probinsiya, partikular na sa kanyang hometown sa Pampanga City.

Nang mag-guest naman si Jimmy sa Unang Hirit kamakailan lamang, ikwenento niya ang dahilan kung bakit niya naisipang pasukin ang vlogging.

Masayang ibinahagi ni Jimmy na bukod sa nais niyang magpasaya ng tao, gusto rin niyang may matutunang aral ang kanyang subscribers sa kanyang vlogs.

Credit: @jimmysaintsss Instagram

Sabi ni Jimmy, “Shine-share ko lang ‘yung kaunting kaalaman ko at naikukuwento rin sa akin ‘yung tungkol dito sa Pampanga, ‘yung history. Ang pagba-vlog, hindi naman basta ganu’n lang eh. Kailangan meron ding sense na kailangan na kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan.”

Samantala, kahanga-hanga naman ang nakukuhang suporta ni Jimmy mula sa netizens dahil ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang simulan niya ang kanyang YouTube channel ay pumalo na kaagad sa mahigit 270K ang subscribers nito.

Maliban dito, maraming netizens din ang patuloy na nananawagan ng suporta para dumami pa ang subscribers o tagatangkilik ng mga vlog ni Jimmy.