Komedyanteng si Jobert Austria, ikinasal na sa longtime partner nito na si Tiad Guzman sa Canada!

Bago salubungin ang bagong taon, napagdesisyunan ni Jobert Austria at ng kanyang partner na si Tiad Guzman na iwan ang 2021 nang may alaala sa isa sa pinakaimportanteng event sa kanilang buong buhay at ito ay ang kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @villagewaykitchen Instagram

Isa si Jobert Austria sa mga sikat at talentadong komedyante sa industriya ng showbusiness. Dahil sa kanyang mahusay na kakayahan sa pagbibigay ng katatawanan sa kapwa celebrities at mga manonood, talagang marami ang mga taong nakakakilala sa kanya. Mas nagkakaroon din ng epektibong presence si Jobert dahil sa nakakatawa niyang reaksyon na palagi namang bentang-benta sa kanyang fans at supporters.

Dahil sa nabuo niyang pangalan sa mundo ng entertainment, isa si Jobert sa mga dahilan kung bakit talagang inaabangan ng karamihan ang “Banana Sundae” kung saan ay kasama niya sina Angelica Panganiban, John Prats, kapwa niya comedians na sina Pooh at Jason Gainza.

Maliban sa pagiging komedyante, kilala rin si Jobert sa pagiging romantiko. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang career niya ang mayaman at successful dahil pati ang kanyang buhay pag-ibig ay kahanga-hanga rin!

Credit: @villagewaykitchen Instagram

Sa pagdating ng [email protected] at minsan na lamang nagkakaroon ng pagkakataon na matunghayan sa telebisyon kasabay na rin ng napakaraming pagbabago sa kanyang buhay, napagdesisyunan ni Jobert na manirahan sa Calgary, Canada upang makasama ang kanyang longtime partner na si Tiad Guzman.

Matapos ang ilang taong pagsasama at maraming kinaharap ng pagsubok ay nag-level up na rin sa wakas ang relationship ni Jobert at Tiad dahil nito lamang Disyembre nang nagkaroon sila ng intimate na wedding kung saan ay imbitado ang kanilang mga mahal sa buhay upang tunghayan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ipinasilip naman ng komedyante ang ilang highlights ng kanilang kasal sa ibinahagi niyang video sa kanyang official na Facebook account na KuyaJobert TV.

Credit: @villagewaykitchen Instagram

Sa importanteng event na ito sa buhay ni Jobert, talagang binati siya ng kapwa niya celebrities at iilang kaibigan sa showbiz katulad na lamang nina Coco Martin, John Lloyd Cruz, Toni at Alex Gonzaga, Karla Estrada, at marami pang iba.

Sa napakahabang panahon nilang pagiging magkakilala at pagkakaibigan ni Tiad, hindi lubos makapaniwala si Jobert na ang crush niya pala noong elementary ay ang babaeng makakatuluyan niya at ang taong makakasama niya sa habangbuhay.

Credit: @villagewaykitchen Instagram

Minsan namang nawalay, nagawa naman ng dalawa na mahanap ang isa’t-isa at nanatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Talagang kakaiba ang kwentong pag-ibig kapag ipinagtagpo ng tadhana!