Isang buwan na ang nakakalipas simula nang lumabas ang resulta ng PLE 2022 pero marami pa rin talaga ang hindi pa nakaka-get over lalong-lalo na’t sobrang tindi ng kanilang paghahanda at ilang buwan din nila itong pinagpuyatan at pinag-aralan kaya talagang hindi ito basta-bastang nalilimutan. Sa usapang PLE, mas mabuti pa’t alalahanin na lamang natin ang iilan sa mga anak ng celebrities na pumasa sa PLE ilang taon na ang nakakaraan kung saan ay kabilang sa mga ito ay ang anak ni Jose Manalo na si Myki.
Credit: @mykimanalo Instagram
Sa likod ng buhay bilang isang sikat na komedyante sa mundo ng showbiz, aakalain talaga ng karamihan na papasukin din ng mga anak ni Jose Manalo ang industriya ng entertainment pero tila’y may ibang passion ang mga ito katulad na lamang ng kanyang babaeng anak na si Myki na walang kahit anong interes sa pag-aartista dahil nakalaan na ang kanyang puso sa field ng medicine.
Sa ating nakasayan, natural lamang na akalain nating susunod din ang mga anak ng celebrities sa naging yapak ng kanilang mga magulang sa showbiz pero tila’y binasag ni Myki Manalo ang stereotype na ito dahil hindi lang naman siya kailanman nagkaroon ng interes na magkaroon ng career sa showbusiness dahil sa pagiging abala niya sa kanyang studies.
Credit: @mykimanalo Instagram
Taong 2012 nang nakapagtapos sa kursong Psychology sa DLSU-Manila si Myki at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa FEU-NRMF upang maging isang ganap na doktor kung saan ay grumadweyt siya noong 2016. Sa kasunod namang taon ay naging intern siya sa De Los Santos Medical Center at nakapasa sa board exam ilang buwan matapos ang kanyang internship na talaga namang nagdulot ng matinding kasiyahan sa pamilyang Manalo.
Sa napakalaking achievement na ito ni Myki, kaagad niyang ibinahagi ang magandang balita sa Instagram kung saan ay inulan siya ng sandamakmak na papuri mula sa mga kaibigan at iilang netizens.
Credit: @mykimanalo Instagram
“LORD, IBA KA! IKAW LAHAT ‘TO! THANK YOU! LISENSYADONG DOKTOR NA PO AKO,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang screenshot kung saan ay makikita ang kanyang pangalan sa pasado list ng PLE.
Credit: @mykimanalo Instagram
Kakaibang daan man ang kanyang tinahak, sobrang proud naman ang kanyang Daddy Jose sa napiling career ng anak. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na napakamahal talaga ng gastos sa pagdo-doktor pero dahil ito ang pangarap ng anak, labis talagang nagsumikap ang komedyante upang matustusan ang pag-aaral ng anak at masuportahan ang pangarap nito kaya ngayong isa ng ganap na doktor at kabilang sa ipinagmamalaki nating frontliners, wala na talagang mas isasaya pa si Jose Manalo.