Komedyanteng si Kitkat, ipinagbubuntis ngayon ang unang anak nila ng kanyang non-showbiz husband

Super daming nakakagulat na rebelasyon sa mundo ng showbiz ngayong nagdaang Valentine’s Day at hindi magpapahuli dito ang komedyanteng si Kitkat.

Credit: @favkitkat Instagram

Dahil sa reputasyong nabuo ni Kitkat sa mundo ng entertainment, kaakibat na rin sa kanyang pangalan ang positibong vibes dahil sa ilang taon niyang paghahatid ng katatawanan sa kanyang fans ay muli na naman niya tayong pinasaya sa magandang balita na ibinahagi niya sa mismong araw ng Valentine’s!

Sa kanyang pinakabagong post sa Instagram, ibinunyag niya sa kanyang fans at followers na ipinagbubuntis niya ngayon ang unang baby nila ng asawang si Walby Favia.

Credit: @favkitkat Instagram

“HAPPY VALENTINE’s DAY EVERYONE!!!! Wala na kaming putuk@n now ,, naputuk@n na! Chareng!!! Hahaha Kidding Aside..,, we just want to share with all of you our greatest happiness and Blessing,,, YES!!! WE ARE PREGNANT!” aniya sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ng asawa na may kasama pang pulang balloons at cake.

Pagkukuwento pa ng comedienne, noong November pa umano siya nagbubuntis at sinabing sobrang proud siya sa sarili dahil matagumpay niya talaga itong nailihim sa publiko kahit na’y marami siyang dinadaluhang shows sa TV.

Credit: @favkitkat Instagram

“Oha walang nakapansin ano,, ive been pregnant since november and super blessing tlaga at di kami maselan ni baby… cguro nagtataka lang kayo bakit lagi maluwag ang mga damit ko sa mga tv appearances ko at lagi naka rubber shoes hehe,” saad ni Kitkat.

Malaki naman ang pasasalamat ng 37 taong gulang na comedienne dahil hindi umano maselan ang kanyang baby at wala umano siyang nararamdamang mga morning sickness kung tawagin, na kadalasang pinagdadaanan ng mga babaeng nagbubuntis.

Dahil sa blessing nilang ito ng asawa, talagang naging special pa ang Valentine’s Day ng couple.

Ayon sa kanya, “HAPPY (indeed) VALENTINE’s talaga.”

Credit: @favkitkat Instagram

Sa isa namang hiwalay na post ng komedyante, ibinahagi rin niya ang video ng ultrasound kalakip ng nakaka-touch niyang mensahe para sa magiging anak nila ni Walby.

“I look forward to our quiet nights alone. I look forward to your mini fingers and toes. I look forward to your blinking eyes. I look forward to all the ways you will be just like your Daddy Walby. But I especially look forward to learning about all the things that make you uniquely YOU. We love u baby, we cant wait to see u ❤️❤️❤️,” pahayag ni Kitkat.

Matapos ang ilang taon simula nang ikinasal, sa wakas ay ipinagbubuntis na rin ni Kitkat ang kanilang baby na siyang magbubuo sa kanilang magandang pamilya.