Kris Aquino, matapat na inamin sa anak na si Bimby ang naging relasyon niya sa ama nitong si James Yap

Bago mamuhay ng mas pribado ang kanyang anak na si Bimby, sumabak muna si Kris Aquino sa isang “honest interview” kasama ito. Sa unang bahagi ng kanilang panayam sa isa’t isa, sinagot ni Kris ang pitong tanong ni Bimby sa kanya.

Credit: @Kris Aquino Instagram

Kabilang sa tanong ng 14 na taong gulang na anak ni Kris ay tungkol sa relasyon niya sa ama nitong si PBA player James Yap.

“What did you think when you married my dad?” tanong ni Bimby.

Matapat na sagot ni Kris, “Honestly, I just took the jump. As in, leap of faith. Maybe I had that hang-up, because the first two serious relationships… The dad of your Kuya was not yet annulled, and the next one was also not annulled.”

Credit: @Kris Aquino Instagram

Matatandaang sina Kris at James ay ikinasal noong 2005 sa isang civil wedding. Taong 2007 naman nang ipanganak ni Kris si Bimby.

Ngunit bago si James, nagkaroon ng relasyon si Kris sa aktor na si Philip Salvador kung saan nagkaroon sila ng anak, ang kanyang panganay na si Joshua.

Ayon kay Kris, kaya niya pinakasalan si James ay dahil humanga siya sa katapatan nito sa kanya.

Ani Kris, “What made your dad special, initially he trusted me by telling me something that he didn’t have to tell me…”

Hindi naman nagbigay si Kris ng anumang detalye tungkol sa inamin ni James sa kanya noon.

Ngunit sabi niya, “I was impressed kasi he did not wait for me to hear about it from other people, or read about it in the tabloids.”

Credit: @Kris Aquino Facebook

Dagdag niya, “Your dad was very young at the time. You’re a lot braver when you’re young. I think I was at place naman na I felt I wanted to be married. Parang feeling ko I was 34, your dad was 11 years younger.”

Inamin din ni Kris na isa sa mga dahilan kung bakit nagwakas ang relasyon nila ni James ay dahil sa malaking agwat ng kanilang edad.

Bukod dito, pareho umano silang nagmula sa dalawang magkaibang mundo.

Credit: @Kris Aquino Facebook

Aniya, “I thought it could work. I honestly thought it could work, not realizing na he was too young. We really came from two very different worlds.”

Gayunpaman, giit ni Kris, “But I wanted it to work.”

At ilang taon ang makalipas, masasabi ngayon ni Kris na wala na siyang ‘hurt feelings’ na nararamdaman at purong pasasalamat na lamang ang nasa kanyang puso dahil kay Bimby.

Credit: @Kris Aquino Facebook

Aniya, “Enough time has past na I now feel just so grateful because without him there would be no you. There’s no more of the… parang na-let go na lahat kung ano man ang mga hurt feelings, bad feelings and all.”

Ang kasal nina Kris at James ay napawalang-bisa noong 2012.