Kris Aquino, nilinaw na hindi engrande ang inaabangang kasal nila ni dating DILG Secretary Mel Sarmiento

Hindi maikakailang nakadikit na sa pangalan ni dating TV actress-host Kris Aquino ang mga salitang “engrande” at “luxurious.”

Credit: @krisaquino Instagram

Sa napakatagal na panahon niyang nasa industriya ng showbiz at kilala rin bilang miyembro ng isang maimpluwensyang angkan, tunay na tumatak sa marami ang pagiging ‘extra’, sosyal at mayaman ni Kris.

Kaya naman sa sandaling ibinahagi ni Kris na ikakasal na siya kay dating DILG secretary Mel Sarmiento, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pananabik dahil inaasahan nga nilang magiging engrande ang kasalan ng dalawa tulad ng nakaraang kasal ni Kris sa kanyang dating asawa na si James Yap.

Credit: @krisaquino Instagram

Pero kamakailan lang ay nilinaw ni Kris na nagdesisyon silang magkaroon lamang ng maliit at pribadong kasal, taliwas sa inaasahan ng marami.

Ibinahagi ni Kris ang detalyeng ito ng kanilang kasal sa kanyang tugon sa komento ng isang netizen na nagpahayag ng kanyang excitement na makita siya sa kanyang “grandest wedding entrance.”

Credit: @krisaquino Instagram

Pahayag ng netizen, “I super love Ms. Kris but now Kris (love symbol) Mel na. God bless you both. Anticipating your grandest wedding entrance Ms. Kris. Excited much.””

Sinabi nga ni Kris na napaka-pribado ng magiging kasal nila ni Mel.

Aniya, “I dont’t be mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be tiny and super private.”

Ayon pa kay Kris, talagang taliwas sa inaasahan ng marami ang magiging kasal nila ni Mel dahil wala umano itong entourage at hindi rin umano sila kumuha ng wedding planner para rito.

Credit: @krisaquino Instagram

“No entourage. No wedding planner. Totally not what you’re expecting,” dagdag niya.

Tanging ang mga detalyeng ito pa lang ang ibinahagi ni Kris at hindi pa niya ibinahagi kung kailan at saan gaganapin ang kasal nila ni Mel.

Matatandaang ini-reveal ni Kris ang tungkol sa engagement nila ni Mel noong October 24 sa isang Instagram post.

Sa pamamagitan ng kanyang post, pinasalamatan ni Kris ang kanyang fiancè dahil umano minahal siya nito “with no agenda” at “for being just an overall good and patient man.”

Credit: @krisaquino Instagram

Nagpasalamat din si Kris sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino na naging dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Mel.

Sa kanyang post, sinabi naman ni Kris na dumating si Mel sa buhay niya sa panahong hindi niya inaasahan. Aniya, naniniwala umano siya sa mga nagsasabi na may “God’s perfect time” talaga.

Sa huli ay iginiit naman ni Kris na napagkasunduan nila na mananatiling pribado ang relasyon nila ni Mel.